• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

NU Spikers, umusad sa playoff ng UAAP tilt

Balita Online by Balita Online
March 16, 2017
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

WINALIS ng National University ang Adamson University, 25-21, 25-12, 25-19, para sa ikapitong sunod na panalo at makasiguro ng playoff para sa isang Final Four berth kahapon sa UAAP Season 79 men’s volleyball tournament sa San Juan Arena.

Umiskor ang beteranong hitter na si Bryan Bagunas ng 18 puntos, habang nag-ambag sina Fauzi Ismail at Francis Saura ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod para pamunuan ang Bulldogs sa pag-angat sa markang 8-1.

“As of now, maganda na talaga ang iginagalaw namin.Lahat ng skills namin medyo umaangat na, mapa-service at kahit maging sa depensa. Sana magtuloy-tuloy lang,” pahayag ni NU coach Dante Alinsunurin.

Nadomina ng Bulldogs ang net defense kung saan nagtala sila ng 14 block sa pamumuno nina Ismail at Saura.

Dahil sa kabiguan, bumagsak ang Falcons, pinamunuan ni Michael Sudaria na may walong puntos sa 2-7.

Sa isa pang laro, nakatabla ang University of Santo Tomas sa ika-4 na puwesto taglay ang barahang 4-5, matapos igupo ang University of the East, 25-21,22-25,25-22,25-18.

Namuno para sa Tigers si Manuel Medina na nagtala ng 13 puntos.

Bumaba naman ang Red Warriors sa kanilang ikawalong kabiguan sa siyam na laro. (Marivic Awitan)

Tags: adamson universityBryan BagunasDante AlinsunurinManuel MedinaMichael SudariaNational UniversitySan Juan Arenauniversity of santo tomasuniversity of the east
Previous Post

PSC ‘Sports Caravan’, makikiisa sa’ Araw ng Davao’

Next Post

PAGBABALIK SA KAGUBATAN NG MGA NANGANGANIB NANG MAGLAHONG HAYOP UPANG MAIIWAS SA MGA KAPAHAMAKAN

Next Post

PAGBABALIK SA KAGUBATAN NG MGA NANGANGANIB NANG MAGLAHONG HAYOP UPANG MAIIWAS SA MGA KAPAHAMAKAN

Broom Broom Balita

  • Bikini photo ni Jennica ‘Lumaban’ Garcia, gagawing wallpaper ni Christian Bables
  • Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection
  • ‘Pinagbebenta ng tiket?’ Lead vocalist ng bandang Lily, dismayado raw kay Rendon
  • Patay sa nasunog na barko sa Basilan, 12 na!
  • 1 patay, 4 na-rescue sa nasunog na barko sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.