VICTORIA, Tarlac – Lumilinya na rin ngayon sa pagnanakaw ng kambing ang riding-in-tandem criminals makaraang maaresto ng pulisya nitong Lunes ang dalawang umano’y kawatan, na nahulihan din ng baril, mga magazine at mga bala sa Barangay Maluid, Victoria, Tarlac.
Ayon sa report, kambing ni PO3 Jocelson Gamit, nakatalaga sa Pura Police at taga-Bgy. Matindeg, Pura, ang tinangay umano nina Nebricardnezar Lactaoen, 47, may asawa; at Romulo Gallardo, 37, may asawa, kapwa residente ng Bgy. Balingcanaway, Tarlac City.
Narekober sa mga suspek ang dalawang patay na kambing sa sako, gayundin ang isang .9mm caliber pistol, dalawang magazine, at 20 bala. (Leandro Alborote)