• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Xian at Kim, mountain hiking ang Valentine’s date

Balita Online by Balita Online
February 21, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Xian at Kim, mountain hiking ang Valentine’s date
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

KIM AT XIAN copy

DALAWANG best supporting actor award na ang siguradong tatanggapin ni Xian Lim para sa mahusay na pagganap niya sa pelikulang Everything About Her na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Angel Locsin.

Umaasa ba siya na masundan pa ang dalawang ito?

“Sino po ba ang ayaw, di ba? Hopefully meron pang kasunod,” napatawang sagot ng ka-love triangle ngayon nina Ian Veneracion at Bea Alonzo sa seryeng A Love To Last.

Hindi raw niya maipaliwanag ang naramdaman nang makarating sa kanya ang balitang pararangalan siya bilang best supporting actor.

“Tumawag agad ako kay Direk Joyce (Bernal) pero inalam ko muna kung totoo bago ko siya tinawagan. Sa totoo lang, sobrang pasalamat talaga ako kay Direk Joyce at siyempre kina Ate Vi at Angel. Napiga nila ako nang husto,” natawang banggit ni Xian.

Inspired siya sa awards niyang ito. Kaya pagbubutihan pa raw niya ang mga susunod niyang gagawing proyekto. Wala pa bang kasunod na pelikula ang Everything About Her?

“Well, gusto ko na ngang manawagan sa ABS na bigyan na nila agad ako ng isang challenging at dramang-dramang role, pero sa totoo lang naman, eh, wait lang muna tayo, baka naman may mga kasunod pa silang ibibigay sa akin,“ seryosong lahad ng aktor.

Hindi ba niya tinawagan si Kim Chiu para ibalita ang award niya?

“Well, alam na niya ‘yun,” maiksing tugon ng binata.

Sila ni Kim ang magkasama nitong nakaraang Valentine’s Day, at bukod sa bouquet ay isang kulay pulang bisikleta ang iniregalo niya sa dalaga. Nahihilig daw kasi ang aktres sa pagba-bike ngayon dahil sa pagbibidahan nitong seryeng Ikaw Lang ang Iibigin.

“Nahihilig na rin siya sa pagba-bike. ‘Tapos may ‘binigay sa kanya na bisikleta para sa serye niya, pero ‘yung ibinigay ko puwede siya sa lupa, puwede sa mga bato. Gumigising na siya ng 3 AM para lang mag-bike ngayon,” kuwento ni Xian.

Ano naman ang regalo ni Kim sa kanya?

“Binigyan niya rin ako ng para sa bike rin, ‘yung bike trainer, ‘yung ikakabit mo siya sa bike. ‘Tapos iaangat niya ‘yung bike mo para hindi mo na kailangang lumabas at saka hindi ka na mahihirapan lalo na ‘pag may taping,” may pagmamalaking kuwento ng actor.

Pero para kay Xian, ang oras na ibinigay ni Kim sa kanya noong Araw ng mga Puso ay sobra-sobra nang regalo na tinanggap niya mula sa dalaga.

“Niyaya ko siyang mag-mounntain hike. Ni-research ko pa sa Internet at doon nagparehisto kami. Sinundo ko siya sa bahay ng alas tres ng umaga, dumiretso kami sa Capaz,Tarlac. Kasi doon ang meet-up place ng gumagawa ng tour. ‘Tapos sinundo kami ng 4×4, dinaanan namin ‘yung lahar papunta do’n sa start ng camp.

“Then mga two hours kaming lakad at paakyat sa bundok. Sobrang kumapit sa mga katawan namin ang alikabok. Then niyaya ko siya sa Capaz, Tarlac at du’n nag-dive kami sa isang parang falls,” kuwento ni Xian.

Mas lumalim daw ang relasyon nila pagkatapos ng adventure nilang ‘yun sa Tarlac at Pampanga.

“’Yon talaga ang point doon, kasi dalawang oras kayong naglalakad. Kuwentuhan lang talaga at ‘yon ang maganda, walang signal. Marami naman pong may alam tungkol sa amin pero kung ‘yung label lang po ‘yung hinihintay nila, parang may tama naman pong panahon for that. Siguro in the near future. Ngayon po, wala pa,” banggit pa ni Xian.

Tags: angel locsinbea alonzoDirek JoyceIan VeneracionKim ChiuVilma SantosXian Lim
Previous Post

Code of Conduct, proteksiyon ng migrante, target ng ASEAN

Next Post

FYI, ‘di pregnant si Wynwyn – Mark Herras

Next Post
FYI, ‘di pregnant si Wynwyn – Mark Herras

FYI, 'di pregnant si Wynwyn – Mark Herras

Broom Broom Balita

  • Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando
  • 2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga
  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
  • ‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

September 22, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

Pasigueño wagi sa Lotto 6/42

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.