• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

200 nurse hanap sa Saudi Arabia

Balita Online by Balita Online
February 11, 2017
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nangangailangan ang Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ng 200 critical care nurses na itatalaga sa cardiac centers, inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nakasaad sa advisory ng Ministry of Health (MOH) ng KSA na ang matagumpay na aplikante ay tatanggap ang 4,110 Saudi riyals na buwanang sahod, SR295 annual salary increase, libreng pagkain at tirahan, at bayad sa taunang bakasyon na may libreng round trip ticket sa eroplano.

Tumatanggap na ang POEA ng mga aplikante para sa nabanggit na posisyon. Itinakda ang pagsusulit at interview sa Marso 6–10, 2017.

Bukod sa babaeng nurses, naghahanap din ang MoH ng 10 Perfusionist; 10 sa Catheterization Laboratory; 10 Cardiac Technician; at 10 sa Echo Cardiology.

Ang mga aplikante ay dapat nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, may board license, Prometric passer, hindi hihigit sa 45 taong gulang at may karanasan sa trabaho ng hindi bababa sa tatlong taon.

Ang mga kuwalipikadong aplikante ay kinakailangang magrehistro online sa www.eregister.poea.qov.ph at personal na magsumite ng resume na may job description, school credentials, employment certificates, kopya ng passport at dalawang 2×2 picture na nakaipit sa folder na may marking “MOH-Cardiac Center” sa Manpower Registry Division, Window T, Ground Floor, Blas F. Ople Bldg. (dating POEA Bldg.), Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City. (Mina Navarro)

Tags: Manpower Registry DivisionMina NavarroMinistry of Health
Previous Post

BI: Text messaging scheme vs red tape

Next Post

NBA stars, sumuporta kay Oakley

Next Post

NBA stars, sumuporta kay Oakley

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.