• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon Editoryal

IKA-117 TAON NG MANILA BULLETIN

Balita Online by Balita Online
February 2, 2017
in Editoryal
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

IPINAGDIRIWANG ngayon ng Manila Bulletin ang ika-117 anibersaryo. Nagsimula ito bilang apat na pahinang pahayagan na naglalathala ng mga impormasyon hinggil sa shipping at negosyo noong Pebrero 2, 1900. Nagsisimula noon ang bagong siglo at naghahanda ang Pilipinas para sa isang bago at modernong mundo makaraan ang tatlo at kalahating siglong pananakop ng mga Espanyol.

Ang paglalathala sa pahayagan sa Carriedo Street sa Maynila ay sinimulan ni Carson Taylor, isang guro mula sa Illinois, United States, na nagsilbi sa US Army noong Spanish-American War. Ang patnugot ay si H. G. Farris. Sila lamang dalawa ang nangasiwa sa paglalathala. Ganap itong naging pahayagan na may five-column tabloid format noong 1912, hanggang sa magkaroon na ng walong column noong 1918.

Iyon ay bagong panahon ng gobyerno at ng pambansang pamumuhay. Para sa mga pahayagan, iyon ang simula ng kalayaan sa pamamahayag na tinatamasa ng mga pahayagan sa Pilipinas magpahanggang ngayon. Ito ay kalayaang ipinagkaloob ng US Constitution na naging bahagi ng ating sariling Konstitusyon ng Pilipinas.

Inilalathala ang Manila Bulletin magmula noon, maliban sa apat na taong pananakop ng mga Hapon noong 1941-1945 nang isara ito ng sandatahang lakas ng Japan at ilang linggo nang ideklara naman ang martial law noong 1972.

Nahirapan ang lahat ng mga diyaryo na pinayagang makapaglathala noong nasa ilalim martial law ang bansa pero patuloy na nagsikap ang Manila Bulletin na makapaglabas ng mga balita na makabuluhan nang panahong iyon.

Unti-unti itong napansin ng publiko kaya nagkaroon ng masusugid na mga mambabasa ang Manila Bulletin at tumaas ang sirkulasyon na napapanatili nito hanggang ngayon bilang “The Nation’s Leading Newspaper.”

Pinangasiwaan ang Manila Bulletin noong mga unang taon ng martial law ng Swiss-Filipino na si Brig. Gen. Hanz Menzi.

Noong 1962, ipinasa niya ang pagmamay-ari ng publikasyon sa philanthropist-businessman na si Dr. Emilio T. Yap. Sa ilalim ng kanyang chairmanship, lumipat ang Manila Bulletin sa sarili jitong gusali sa Intramuros, nakabili ng sarili nitong five-story printing press, naglabas ng ilang bagong mga publikasyon, at naging public corporation. Nang pumanaw si Dr. Yap tatlong taon na ang nakalilipas, ang humalili sa kanya ay sina Chairman Basilio C. Yap at Vice Chairman and Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III at ang Manila Bulletin ay matatag na sumulong sa bagong panahon ng multi-platform communications. Ang ating print edition ay nananatiling solidong pundasyon kasabay ng ating On-Line at Social Media na tumatatag na rin sa digital world.

Kilala sa mundo ang pagiging malaya ng Pilipinong pamamahayag, sa aktibong pagkober sa malalaking pangyayari, at ang kahandaang ipaalala sa ating mga opisyal na karapatan at tungkulin nating maihatid sa publiko ang mga tamang impormasyon. Ang Manila Bulletin ay nangunguna sa dakilang tradisyong ito.

Ngayon ay kilala ang Manila Bulletin sa solidong coverage sa pambansa, pandaigdig, at lokal na mga pangyayari, na walang sensasyonalismo – tanging solido, tama, at responsableng pag-uulat sa mga balita, upang ang ating mga mambabasa ay ang maging “Fully Informed.” Ang mga pahina ng ating editoryal ay nagtatampok naman ng mga opinyon ng iba’t ibang respetadong personalidad na gagabay sa ating mga mambabasa sa pagsusuri sa mga nagaganap sa ating bansa at sa mundo, na bahagi ng kanilang tungkulin bilang mamamayan ng ating republika.

Sa ika-117 anibersaryo ng Manila Bulletin ngayon, muli nitong pinagtitibay ang katapatan sa kalayaan ng pamamahayag at mga mithiin, sa tama at responsableng paghahatid ng mga balita, sa pagbabahagi ng iba’t ibang mga opinyon, hanggang sa huli upang lahat tayo ay manatiling may kaalaman sa mga nangyayari, responsable, nagsisikap, at umuunlad na bansang Pilipino.

Tags: Basilio C. YapCarson TaylorEmilio C. Yap IIIEmilio T. YapHanz Menzimanila bulletin
Previous Post

Pulis sa war on drugs ‘behaving like criminals’ – Amnesty

Next Post

Korona sa Miss U ratings, nakuha ng Kapamilya

Next Post

Korona sa Miss U ratings, nakuha ng Kapamilya

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.