• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Album ni Angeline, may komposisyon sina Yeng at Darla

Balita Online by Balita Online
January 30, 2017
in Showbiz atbp.
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

IBA’T IBANG awitin tungkol sa kaligayahan at pagkabigo sa pag-ibig ang tampok sa pinakabagong album ng Queen of Teleserye Theme Songs at multiplatinum-selling artist na si Angeline Quinto.

 “Lahat ng kanta sa album na ‘to, love songs. Lahat yata ng sitwasyon sa pagmamahal naranasan ko,” sabi ni Angeline, na nagdiriwang ng kanyang ikaanim na anniversary sa showbiz ngayong taon.

 Tampok sa album ang unang single niya na binansagang “most heartbreaking song of 2017,” ang At Ang Hirap, na isinulat ng pop rock princess na si Yeng Constantino at iprinodyus naman ni Jonathan Manalo, tungkol sa hirap ng pagmo-move on mula sa hiwalayan.
 
Sa pagbabalik ni Angeline sa recording, mapapakinggan din ang isa na naman niyang komposisyon, ang Para Bang, Para Lang na dedicated niya sa kanyang ina. Ito na ang pangalawang kantang isinulat at ini-record ni Angeline pagkatapos ng Sana Sana na naging laman ng 2013 album niyang Higher Love.
 
Siguradong makaka-relate rin ang fans sa awiting Paano Ba Ang Huwag Kang Mahalin, ang kauna-unahang kantang isinulat ng TV writer at online personality na si Darla Sauler na nag-uumapaw sa hugot.

 Kasama rin sa track list [email protected]#LoveAngelineQUinto ang isa pang komposisyon ni Yeng na ’Di Na Tayo, pati na ang duet nina Angeline at Michael Panganibanna Parang Tayo Pero Hindi, na nanalong 5th Best Song of Himig Handog P-Pop Love Songs 2016.

Laman din ng album ang acoustic remix ngPara Bang, Para Lang, ang covers ng Nanghihinayang ng Jeremiah at ballad naKailangan Kita, at originals na Awit Ng Pag-ibig at Ang Pag-ibig Ko’y Ikaw [email protected] ay produced ni Jonathan Manalo. Mabibili na ito sa record bars nationwide sa halagang P299 lamang. Maaari na rin itong ma-stream sa Apple Music at Spotify. Available na ang buong album sa digital stores simula kahapon.

 Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang Starmusic.ph o i-follow ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starmusicph, o @starmusicph sa Twitter at Instagram. (Ador Saluta)

Tags: angeline quintoDarla SaulerJonathan Manaloyeng constantino
Previous Post

VP Leni tumangging manood — DoT chief

Next Post

Maulang coronation night

Next Post

Maulang coronation night

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.