• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Sushmitsa Sen at Dayanara Torres, babalik sa Pilipinas para sa Miss U

Balita Online by Balita Online
January 23, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Sushmitsa Sen at Dayanara Torres, babalik sa Pilipinas para sa Miss U
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sushmita at Dayanara copy

IBINAHAGI ni Miss Universe 1994 Sushmita Sen na sabik na sabik na siyang makabalik ng Manila. Darating siya sa bansa upang maging isa sa judges ng Miss Universe 2016 beauty pageant sa SM Mall of Asia sa Pasay City sa Enero 30.
 
“Getting ready with a dancing heart!!!!! I am soooooooo excited, emotional and looking forward to returning home to the #Philippines after #23years. It’s where it all began #manila1994 #missuniverse1994. Life comes a full circle, from winning Miss Universe, to having owned its Indian Franchise to now… returning back to #Manila this time as a #judge at the 65th Miss Universe pageant!!! To all my #filipino friends who have been graciously asking… I can now confirm… yesssssss!!!! I am coming!!! Mahal Kita Philippines see u sooooooon!!!!!” saad ni Sushmita sa kanyang Instagram post kamakailan.

Si Sushmita, 41, ang kauna-unahang Miss Universe ng India.

Pagkatapos ng kanyang reign sa Miss Universe ay naging Bollywood actress si Sushmita at umarte sa ilang pelikula.

Nanalo rin siya ng mga acting trophy. Mayroon siyang dalawang anak na ampon, sina Renee at Alisah.

Noong 2010, ibinigay kay Sushmita ang Miss Universe franchise, na dating pagmamay-ari ng Times of India Group, organizers ng Femina Miss India, ang pinakamalaking beauty competition sa kanyang bansa. Pero nilisan na niya ang proyektong ito tatlong taon na ang nakararaan.

Inaasahan ding darating si Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa Manila para sa Miss Universe 2016 beauty pageant.

Bagamat walang nagkumpirma tungkol sa kanyang pagbabalik, patuloy namang nagpo-post ang Puerto Rican beauty queen sa IG ng mga throwback photo nang magtungo siya sa Pilipinas para sa beauty pageant.

Sa post ni Dayanara kamakailan, nagpahiwatig siya ng posibleng pagbabalik niya sa Manila. Sabi niya: “I may not be there yet, But I’m closer than I was yesterday.”

Nag-post uli si Dayanara ng larawan sa Instagram na may “The Philippines” na nakalagay sa litrato at may caption ni: “Throwback Thursday people!”

Si Dayanara ang nagputong ng korona kay Sushmita sa Miss Universe 1994 beauty contest na ginanap sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center sa Pasay City noong Mayo 20.

Pagkatapos ng pageant ay nagkaroon ng showbiz career si Dayanara, 42, at napanood sa ilang television show at pelikulang Pilipino.

Naiugnay si Dayanara kay Aga Muhlach na ngayon ay kasal kay Charlene Gonzales, ang kinatawan ng Pilipinas at nakapasok sa semis noong 1994 Miss Universe contest.

Bumalik si Danayara sa Puerto Rico at naging recording artist. Noong 2005, lumabas siya sa sikat na American soap na The Young and the Restless.

Ikinasal ang beauty queen sa pop Latin superstar na si Marc Anthony noong 2000 at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki.

Naghiwalay ang dalawa noong 2002, ngunit nagkaayos din. Muling naghiwalay ang dalawa noong 2003 at nagdiborsiyo noong 2014. (ROBERT R. REQUINTINA)

Tags: aga muhlachCharlene GonzalesDayanara TorresMarc AnthonyPlenary HallROBERT R. REQUINTINASushmita Sen
Previous Post

Sta. Isabel: Frame up!

Next Post

Amnestiya sa buwis

Next Post

Amnestiya sa buwis

Broom Broom Balita

  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
  • ₱2,000 buwanang subsidiya para sa mga magulang ng CWD, isinusulong
  • Sen. Cynthia Villar, naghain ng panukalang batas para protektahan ang Panaon Island
  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
  • 7 panukalang batas vs teenage pregnancy, pasado na sa House committee level
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.