NATUKLASAN sa bagong pag-aaral na ang mataas na lebel ng stress ay maiiugnay sa mas mataas na panganib sa pagkakaroon ng atake sa puso o stroke.
Nalaman ng mga researcher na ang mga kalahok sa pag-aaral na kapag mas maraming aktibidad sa bahagi ng utak na nangangasiwa sa pagtugon ng katawan sa stress at takot, na tinatawag na amygdale, ay mas may posibilidad na makaranas ng atake sa puso o stroke kumpara sa mga taong may mas mababasang aktibidad sa amygdala.
“This study identifies, for the first time in animal models or humans, the region of the brain that links stress to the risk of heart attack or stroke,” sabi sa pahayag ng lead study author Dr. Ahmed Tawakol, na cardiologist sa Massachusetts General Hospital sa Boston.
Iniugnay din ng mga researcher ang pagtaas ng aktibidad ng amygdale sa ilang proseso na humahantong sa pagkakaroon ng sakit sa puso, saad sa pag-aaral na inilathala noong nakaraang Miyerkules sa journal na The Lancet.
“While the link between stress and heart disease has long been established, the mechanism mediating that risk has not been clearly understood,” ani Tawakol.
Sinuri sa pag-aaral ng mga researcher ang dalawang grupo ng mga pasyente, ang una ay kabilang ang halos 300 matatanda na nasa edad 30 pataas. Sa simula ng pag-aaral, walang maysakit sa puso sa mga pasyente. Nagsagawa ng brain scan ang mga researcher sa mga pasyente gamit ang technique na hindi lang sumusukat ng activity level sa utak, kundi makikita rin ng mga researcher ang lebel ng blood vessel inflammation at bone marrow activity sa buong katawan.
Sa karaniwang follow-up period na 3.7 taon, 22 sa mga pasyente ang nagkaroon ng medical event kaugnay sa sakit sa puso, tulad ng atake sa puso, stroke o diagnosis ng heart failure.
Napag-alaman ng mga researcher na ang may mataas na activity level ng amygdale sa simula ng pag-aaral ay maiiugnay sa mas mataas na panganib na pagkakaroon ng sakit sa cardiovascular. (Live Science)