• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Showtime, nais ipalabas sa US ang Pacquiao-Horn bout

Balita Online by Balita Online
January 14, 2017
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NAKIKIPAG-UGNAYAN na si Top Rank Inc. big boss Bob Arum kay Stephen Espinoza ng Showtime Sports na nagpahayag ng malaking interes na ipalabas sa Amerika ang nakatakdang pagdepensa ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao kay No. 2 contender Jeff Horn sa Abril 22.

Pinagpipilian pa ang venue sa Brisbane, Australia o sa United Arab Emirates.

Tulad ng huling laban ni Pacquiao, Top Rank ang mangangasiwa sa pay-per-view broadcast ng Pacquaio-Horn bout na ipalalabas naman ng Showtime sa telebisyon para sa mas malaking coverage sa buong daigdig.

Gusto ni Arum na gawin ang laban sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia dahil popular ang 28-anyos na si Horn kaya tiyak na dudumugin ang laban na gustong ipalabas ng Top Rank sa premium cable, basic cable o free TV depende sa kasunduan sa Showtime.

“I think it would be great for the sport, in particular with those overseas pay-per-views that are a challenge to market in the U.S.,” sabi Espinoza sa BoxingScene.com. “So there’s some logic to what Bob says. And if there’s an opportunity to be in that [Pacquiao] business, we would love to be in the running for it.”

“He’s still a name,” sabi ni Espinoza tungkol sa popularidad ni Pacquiao sa boxing fans. “There’s some challenges in the US with the name recognition of Jeff Horn. That’s remedied by not going to pay-per-view. You look at the elements for a successful pay-per-view, it’s a competitive matchup and ideally, two known commodities that are available and able to market. And if you’re missing any of those elements, you probably shouldn’t be going to pay-per-view, if you’re looking for a big level of success.”

Aminado si Espinoza na hindi pa niya nakikitang lumaban si Horn pero batid niyang napatulog ng Aussie boxer sina dating world champions Randall Bailey ng US at Ali Funeka ng South Africa.

“I haven’t,” diin ni Espinoza hinggil sa mga laban ni Horn. “I’ve spoken with his promoters [Duco Events]. They’ve been high on him for some time and we’ve talked about it. But I actually haven’t seen footage of him.”

Tags: bob arumJeff Hornmanny pacquiaoRandall BaileyStephen Espinoza
Previous Post

PM Abe ‘feel at home’ sa bahay ni Digong

Next Post

Angelica, gaganap bilang Karla Estrada sa ‘MMK’

Next Post
Angelica, gaganap bilang Karla Estrada sa ‘MMK’

Angelica, gaganap bilang Karla Estrada sa 'MMK'

Broom Broom Balita

  • Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda
  • Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando
  • 2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga
  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

September 22, 2023
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.