• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

San Beda Red Booters, target ang NCAA football finals

Balita Online by Balita Online
January 10, 2017
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pilit na duduplikahin ng San Beda ang nagawa nitong pagwawalis sa unang round ng labanan sa pagsagupa nito sa Lyceum of the Philippines U sa pagsisimula ngayong umaga ng Final Four ng 92nd NCAA football tournament sa Rizal Football Field.

Iniuwi ng Red Booters ang first round pennant sa pagwawalis sa anim nitong laro tampok ang 6-0 panalo kontra sa nagtatanggol na kampeong Arellano U Chiefs noong Disyembre 12 nakaraaang taon.

Agad masusungkit ng Red Booters ang titulo kung mangunguna o mawawalis nito ang single-robin format Final Four.

Sasagupain ng Red Booters ang Pirates, na tumapos sa unang round katabla ang Perpetual Help Altas sa No. 4 na may natipong anim na match points kada isa subalit napunta sa ikaapat at huling silya dahil sa mas mataas na goal differential, 0 kontra sa -9.

Gayunpaman, ang San Beda, na hangad ang league-best 22nd seniors title, ay nahirapan muna bago tinalo ang LPU, 3-0, sa kanilang unang paghaharap noong Disyembre 8.

“We should be physically and mentally prepared because it gets tougher from here on,” sabi ni San Beda coach Michael Pediamonte. “We also can’t underestimate any team.”

Magsasagupa din ang No. 2 St. Benilde at No. 3 Arellano U sa isa pang laban ganap na 2:00 hapon matapos lamang ang sa ganap na 12 :00 ng tanghali na salpukan sa pagitan ng San Beda at LPU.

Sakaling manguna ang San Beda sa second round ay agad nitong maiuuwi ang kampeonato. Gayunman, sasagupa ito sa mangunguna sa second round sa one-game title contest.

Asam din ng juniors ng San Bed na manguna sa ikalawang round sa pagsagupa sa No. 4 Letran sa ganap na 8:00 ng umaga na unang laro habang ang defending champion na No. 2 St. Benilde ay haharapin ang No. 3 Arellano U sa ganap na 10:00 ng umaga.

Iniuwi ng Cubs ang first round pennant sa pagtatapos nito na may kabuuang 16 match points sa lima nitong panalo kontra isang draw. (Angie Oredo)

Tags: Angie OredoMichael Pediamonte
Previous Post

NAKITANG MGA PALATANDAAN NG PDAF NATIONAL BUDGET

Next Post

Dagdag-bawas sa diesel, kerosene

Next Post

Dagdag-bawas sa diesel, kerosene

Broom Broom Balita

  • Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards
  • Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China
  • KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’
  • Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball
  • 21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis
Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

September 29, 2023
Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China

Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China

September 29, 2023
KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’

KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’

September 29, 2023
Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball

Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball

September 29, 2023
Pari na sangkot sa sexual abuse sa mga menor de edad, sinibak ni Pope Francis

21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis

September 29, 2023
LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

September 29, 2023
19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

September 29, 2023
Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

September 29, 2023
UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’

UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’

September 29, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱650-M confidential funds ng OVP, DepEd ililipat sa security agencies – House leader

September 29, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.