• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

P20M sa bribe money ipinasasauli sa BI chief

Balita Online by Balita Online
December 22, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na isauli hanggang ngayong Huwebes, Disyembre 22, ang P20 milyon na umano’y bahagi ng bribe o extortion money na galing sa kampo ng online gambling operator na si Jack Lam.

Ito ay kasunod ng pag-amin ni Morente na awtorisado niya si dating Acting Immigration Intelligence Chief Charles Calima para magsagawa ng counter intelligence operation sa nagsipagbitiw na BI deputy commissioners na sina Al Argosino at Michael Robles.

Sa memorandum na may petsang Disyembre 21, 2016, iniutos ni Aguirre kay Morente ang pag-turnover sa P20 milyon, sa loob ng 24-oras, sa DoJ o sa National Bureau of Investigation (NBI), na nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Ito ay para umano mapangalagaan ang ebidensiya sa umano’y extortion na kinasasangkutan umano nina Argosino at Robles.

Kasabay nito, inatasan din ni Aguirre si Morente na magsumite sa kanya ng written report kaugnay ng pagtalima sa kanyang direktiba hanggang 5:00 ng hapon ngayong Huwebes.

Ipinasusumite rin ni Aguirre kay Morente ang kopya ng lahat ng report na may kinalaman sa counter-intelligence operation ni Calima bago ito nasibak sa puwesto, maging ang mga hakbangin ni Morente nang matanggap ang mga nasabing ulat.

Ang P30 milyon sa P50 milyon bribe money ay isinauli na nina Argosino at Robles kay Aguirre nitong Disyembre 13.
(Beth Camia)

Tags: Al ArgosinoBeth CamiaCharles CalimaJaime MorenteVitaliano Aguirre
Previous Post

NBA: Bronze statue, parangal ng Lakers kay Shaq

Next Post

HUDYAT NG PAGLALAMANGAN

Next Post

HUDYAT NG PAGLALAMANGAN

Broom Broom Balita

  • Sen. Cynthia Villar, naghain ng panukalang batas para protektahan ang Panaon Island
  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
  • 7 panukalang batas vs teenage pregnancy, pasado na sa House committee level
  • 2 Japanese senior citizen, pinakamatandang foreigners na nakaakyat sa Mt. Apo
  • Wanted na Japanese dahil sa pamemeke ng kasal, timbog sa Maynila
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.