• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Team Pacquiao, wagi sa Rapid at Blitz

Balita Online by Balita Online
November 21, 2016
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagtala ng kabuuang 12 match points ang 11th seed Manny Pacquiao Chess Friends upang sorpresang angkinin ang korona sa team blitz ng 2016 Inter-Commercial Inter-Government Individual/Team Blitz and Rapid Chess Championships nitong Sabado sa Makati City Hall.

Dinaig ng MPCF squad nina National Master Hamed Nouri, Sherwin Tiu, Ricardo Batcho at dating Philippine Basketball Association player Zaldy Realubit ang kabuuang 50 karibal sa dalawang araw na torneo.

Naiuwi ng apat na player na regular na nakakalaro ni 8-division world boxing champion at reigning World Boxing Organization welterweight king Sen. Manny Pacquiao ang trophy, gold medal at P10,000 cash prize.

Iginawad ang premyo nina Artillery Foundation of the Philippines, Inc. officials Col. Emmanuel Martin (secretary general) at Col. James Ramon, Sr. (board member) at National Chess Federation of the Philippines executive director Grandmaster Jayson Gonzales.

Nagtulak ng anim na panalo at isang draw ang MPCF sa pagprimera dahil sa bentaheng isang buong puntos kontra No.7 seed Far Eastern University Manila-A nina Woman GM Janelle Mae Frayna, Andrea Blanca de Vera, Jeth Romy Morado at Romy Fragon.

Pangatlo ang No. 9 seed Apocalypse Chess Team nina International Master Ronald Bancod, Chester Caminong, Christopher Rodriguez at Paul John Lauron.

Lumagapak lang sa 31st place ang GM Oliver Dimakiling-led 29th seed Team Orbe, nasa 49th spot ang ginabayan ni GM Ronald Dableo na 17th seed Acxent Class B at ang pinamunuan ni GM Darwin Laylo na fifth seed Acxent Glass A.
(Angie Oredo)

Tags: Andrea Blanca de VeraAngie OredoChester CaminongDarwin LayloEmmanuel MartinJames RamonJanelle Mae FraynaJohn Lauronmanny pacquiaoOliver Dimakiling-ledRicardo BatchoRomy MoradoRonald DableoZaldy Realubit
Previous Post

Pangulo ng China bibisita

Next Post

Reunion ng press secretaries

Next Post

Reunion ng press secretaries

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.