IBINUNYAG ng member ng Black Eyed Peas na si Taboo na nakikipaglaban siya ngayon sa testicular cancer.
Inihayag ng 41-anyos na rapper na nagtungo siya sa emergency room noong 2014 nang makaramdam ng pananakit ng buong katawan pagkatapos ng isang show at napag-alaman na mayroon siyang stage 2 testicular cancer.
Sumailalim siya ng operasyon at sasailalim din sa chemotherapy sa loob ng 12 linggo.
Naging inspirasyon ng kanyang bagong kantang The Fight ang pakikipaglaban niya sa cancer. Sinabi niya na lahat ng kikitain ng single ay ido-donate sa American Cancer Society (ACS). Kinilala bilang ACS ambassador si Taboo noong Mayo. (AP)