Sinabi ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na handa ang lungsod at ang 1.7 milyong residente nito sa kinatatakutang “The Big One” o ang pagtama ng 7.2 magnitude o mas malakas pang lindol.
Ito ang tiniyak ng alkalde, kasunod ng ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tectonic quake na naitala sa iba’t ibang panig ng bansa nitong Linggo — 2.5 magnitude sa Governor Generoso, Davao Oriental; 4.8 magnitude sa Saranggani, Davao Occidental; 2.2 magnitude sa Hinatuan, Surigao del Sur; at 4.7 magnitude sa Kalingalan Caluang, Sulu.
“Sa tatlo’t kalahating taon na ako ang mayor, pinalakas natin ang ating disaster preparedness dahil hindi natin alam kung kailan tayo matatamaan. Masasabi nating 70-80 porsiyento nang handa ang lungsod,” wika ni Estrada.
(Mary Ann Santiago)