• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Paolo Ballesteros, rumampa sa red carpet ng Tokyo Filmfest bilang Angelina Jolie

Balita Online by Balita Online
October 27, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Paolo Ballesteros, rumampa sa red carpet ng Tokyo Filmfest bilang Angelina Jolie
3
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

direk-jun-paolo-at-direk-perci-copy

LUMIPAD nitong Lunes, October 24 ang grupo ng Die Beautiful — pinangungunahan ng bida ng pelikula na si Paolo Ballesteros at direktor nito na si Jun Robles Lana –patungong Japan para sa 29th Tokyo International Film Festival (TIFF) na tatakbo ng sampung araw, simula October 25 hanggang November 3. 

Produced ng The IdeaFirst Company at Octobertrain Films, ang Die Beautiful ang nag-iisang Pinoy film na pumasok sa Main Competition section ng Tokyo filmfest. 

Ang world premiere ng naturang pelikula ay magaganap sa October 27 sa EX Theater Roppongi. Inaasahan ang pagdalo nina Direk Jun, Paolo at Direk Perci Intalan(executive producer ng pelikula) sa Q&A portion pagkatapos ng screening ng pelikula. 

Sa screening na nakaiskedyul sa November 2 sa Toho Cinemas Roppingi Hills Screen9 — ayon na rin sa website ng TIFF — sold out na ang Internet at box office tickets sa araw na ‘yun. 

Ang Die Beautiful ang biggest break ni Paolo bilang aktor. Ginagampanan niya ang character ni Trisha Echevarria sa pelikula, isang Filipino transgender woman na ang ikinabubuhay ay ang pagsali sa mga beauty pageant. She (Trisha) died unexpectedly habang kinokoronahan sa isang pageant. Pero bago siya binawian ng buhay, ang huling habilin niya ay manatiling maganda maging sa kamatayan.

Excited kami para kay Paolo, kilala bilang Lola Tidora sa kalyeserye ng Eat Bulaga bagamat higit siyang hinahangaan sa kanyang make-up transformation ng iba’t ibang local at foreign celebrities. 

Sa opening day ng Tokyo filmfest, rumampa sa red carpet si Paolo, kasama pa ng ibang Pinoy delegations na nakasuot ng Filipiniana green gown na gawa ni Rau Uzon-Ablaza. 

Ayon sa producer ng Die Beautiful na si Ferdinand Lapuz nang tanungin namin tungkol sa reaksiyon ng mga tao tungkol sa pagrampa at pangangabog ni Paolo sa red carpet, “Okay naman. ‘Daming natuwa sa kanya.” 

Kung nangabog si Paolo sa red carpet sa opening day bilang Angelina Jolie, pinagkaguluhan naman ang 3-time Academy Awards (Oscar) winner na si Meryl Streep sa appearance niya sa Tokyo filmfest. Ang kanyang pelikulang Florence Foster Jenkins ang naging opening film. 

Abangan na lang natin sa awards night kung maiuuwi ni Paolo ang Best Actor (o Best Actress?) sa mahusay niyang pagganap sa pelikula. 

Taong 2013, nang mauwi ni Eugene Domingo ang karangalan bilang Best Actress para sa 26th edition ng TIFF — the first for the Philippines — para sa epektibong pagganap ng komedyante sa Barber’s Tale. 

Will Paolo duplicate Uge’s win at the Tokyo International Film Festival? ‘Yan ay kung ilalagay siya sa kategoryang best actress. (LITO MAÑAGO)

Tags: angelina jolieEugene DomingoFlorence Foster JenkinsJun Robles LanaLola TidoraMeryl StreepPaolo BallesterosTrisha Echevarria
Previous Post

Arci Muñoz, aalis sa Viva para lumipat sa Star Magic

Next Post

Tumapak sa hindi teritoryo, sinumpak

Next Post

Tumapak sa hindi teritoryo, sinumpak

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.