Mga Laro Ngayon
(Philsports Arena)
12:30 n.h. – Air Force vs Cignal (Turf)
4 n.h. – Pocari vs Coast Guard
6 n.g. — UP vs UST
Sisikapin ng University of Santo Tomas na maituloy ang matikas na nasimulan sa pagpuntirya ng playoff para sa semifinal berth kontra University of the Philippines sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig.
Naipanalo ng Tigresses ang unang tatlong laban kabilang na 4-set win kontra sa Open Conference runner-up Air Force at import-backed BaliPure nitong Sabado ng gabi.
Sa kabila ng iniindang injury sa kanyang kanang balikat, nagposte ng team-high 23 puntos si EJ Laure upang pamunuan ang Tigresses laban sa Water Defenders, 21-25, 25-21, 25-23, 25-13, at masolo ang liderato.
Nag- ambag din sa panalo si Carla Sandoval na may 12 hit, ang nagbabalik na si Pam Lastimosa na nagtala ng 11 puntos at middle blocker Marivic Meneses na may anim na hit at apat na block.
Ganap na 6:00 ngayong gabi magtutuos ang Tigresses at Lady Maroons pagkatapos ng salpukan ng defending champion Pocari Sweat at winless Philippine Coast Guard ganap na 2:00 ng hapon.
Susubukan ng Tigresses na mapigilan ang tropa ni coach Jerry Yee na pangungunahan nina Diana Carlos, Nicole Tiamzon Kathy Bersola, Justine Dorog at Marian Buitre.
Para sa Pocari Sweat, hangad nilang bumangon mula sa five-set na pagkabigo sa kamay ng Air Force, sa kanilang pakikipagtuos sa Coast Guard, wala pang naipapanalo matapos ang tatlong laban.
Mauuna rito sa Spikers’ Turf Season 2 Reinforced Conference, magkakasubukan ang Cignal at Air Force ganap na 12:30 ng hapon. (Marivic Awitan)