• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘Wish I May’ album ni Alden, 8X Platinum Record na

Balita Online by Balita Online
September 20, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
‘Wish I May’ album ni Alden, 8X Platinum Record na
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

alden-8x-platinum-copy-copy

CONGRATULATIONS Alden Richards! 

Nitong nakaraang Linggo sa Sunday Pinasaya ay pinagkalooban si Alden ng kanyang 8X Platinum Record Awards ng GMA Records at ng PARI para sa kanyang Wish I May Album.

Ang Platinum Record Award ay katumbas ng 15,000 units sold, kaya dahil walong beses nang platinum ang album ay nangangahulugan na 120,000 kopya ng Wish I May album na ang naibebenta ni Alden.

Isinunod ito sa launching ni Alden ng Rescue Me, ang first single sa bago niyang album sa GMA Records uli na ang sabi niya after singing, ‘sana nanood siya….’ Sino pa ba kundi ang girlfriend niyang si Maine Mendoza. 

Ang saya-saya ng aura ni Alden habang kumakanta, at hindi na siya umiyak nang yakapin niya ang kanyang bagong Platinum Record Award na muli niyang inialay sa kanyang yumaong ina, si Mommy Rio.  

Comment ng netizens, masayang-masaya raw kasi at in love talaga si Alden kaya no more tears.

Pagkatapos magpasalamat, ipinaalaala ni Alden na sa October 10 ang formal release ng kanyang Say It Again album kaya puwede nang mag-place ng pre-order sa GMA Records. Special mention niya ang fans niya sa London, dahil pupunta siya roon for a GMA Pinoy TV show sa October 2, his first time to go to the United Kingdom.

Ipinaalaaala rin ni Alden na simula sa linggong ito, mapapanood na siya sa Encantadia.

Sabi nga, the long wait is finally over. Matagal na kasing hinihintay ng fans and televiewers ang pag-appear ni Alden sa epic-serye bilang si Lakan.  

Ang daming nagtatanong kung sino ba si Lakan, pero maging si Direk Mark Reyes ay ayaw sabihin sa amin ang detalye sa karakter na gagampanan ni Alden. Ang sinabi lang niya, basta ibang Alden Richards ang mapapanood ngayon. Biro pa ni Direk Mark, may pasabog daw ang unang paglipad ni Lakan.

Pero tiniyak ni Direk Mark sa amin na walang katambal si Alden sa epic-serye. Alamin na lamang daw kung sino ang una niyang makikilala sa mga Sang’gre, si Hara Amihan (Kylie Padilla), si Pirena (Glaiza de Castro), Alena (Gabbi Garcia) o si Danaya (Sanya Lopez)? Malaking katanungan din sa Encantadiks kung magiging kakampi o kaaway ba ng mga Sang’gre si Lakan.

Last Friday, napanood na si Alden as Lakan sa mundo ng mga tao. Kaya inaabangan ngayong linggo ang kanyang tuluyang paglipad. 

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. (NORA CALDERON)

Tags: Alden RichardsHara AmihanKylie PadillaMark ReyesNORA CALDERONSanya Lopez
Previous Post

Rey Valera, kontrabida sa ‘Tawag ng Tanghalan’

Next Post

Big Brother, pinangaralan ang housemates sa pagiging touchy

Next Post
Big Brother, pinangaralan ang housemates sa pagiging touchy

Big Brother, pinangaralan ang housemates sa pagiging touchy

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.