AGAD na kinausap ni Kuya ang ilan sa kanyang teen housemates ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 at pinaalalahanan sa dapat nilang iasal nang mapansin niya na masyado nang nagiging close at komportable ang mga ito sa isa’t isa.
Hiwalay niyang pinatawag sina Heaven Peralejo at Edward Barber, na kaaamin lang sa isa’t isa ng kanilang nararamdaman, at pinagsabihan sa pagiging touchy nila.
“Natutuwa ako na nagkakakilalanan kayo ng mga housemate mo at nagiging close kayo. Pero kaunting payo mula sa isang Kuya, hindi lang magandang tingnan ang pagiging touchy,” sabi ni Kuya kay Heaven.
Nagpakumbaba naman si Heaven at inaming hindi napansin na masyado na silang nagiging malapit ni Edward, at ipinaunawa rin ni Kuya sa half-British na binata na iba ang sitwasyon dito Pilipinas at sa England na kanyang pinanggalingan.
“Hindi ko napansin, para sa akin kasi normal lang ‘yung pagiging pisikal,” sabi ni Edward.
Sinabi rin ni Kuya na hindi dapat nagmamadali ang dalawa at dapat maging masaya na muna sa pagiging malapit sa isa’t isa.
Noong nakaraang linggo, nakita rin naman ang teen housemates na nagtagumpay sa kanilang ikalimang lucky task kung saan nakalikom sila ng sapat na pera sa kanilang “Pak Salern.”
Ngunit matapos ng kanilang tagumpay ay hinarap naman nila ang pamamaalam na naman sa isang kasama sa katauhan ng bagong evictee na si Fenech Veloso.
Makinig kaya ang mga housemate sa payo ni Kuya? Ano kaya ang huling dalawang lucky task na kailangan nilang harapin?
Alamin sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Magpahanggang Wakas.