• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

PABAGU-BAGO

Balita Online by Balita Online
September 18, 2016
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

PARANG pabagu-bago ang mga pahayag at desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa iba’t ibang isyu. Hindi raw siya tagahanga (fan) ng United States at minura pa niya si US Pres. Barack Obama noon nang tanungin ng isang Reuters reporter sa Davao City airport bago siya lumipad sa Laos upang dumalo sa 49th Asean Summit, kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag kinausap ng black president tungkol sa human rights violations ng kanyang administrasyon kaugnay ng pagsugpo sa illegal drugs.

“Son of bitch (p….ina…). Sino ba siya?”, maanghang na tugon ng biglang nagalit na Pangulo. Wala raw karapatan si Obama na lektyuran siya sa human rights dahil higit na maraming paglabag sa karapatang pantao ang US na ang mga sundalo ay pumatay ng 1,000 Muslim, kabilang ang mga bata at kababaihan, noong 1906 sa Sulu.

Sa bandang huli, itinanggi ni Mano Digong na minura niya ang pinakamakapangyarihang lider sa mundo, pero kinansela na ni Obama ang nakatakdang bilateral talks nila sa sidelines ng Asean Summit. Sa pagkansela ng usapan, maliwanag na ang nawalan rito ay ang ‘Pinas dahil tiyak na magkakaloob ng tulong ang US sa paglaban sa krimen at illegal drugs at ng modern armaments para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pagkatapos nito, ipinahayag niya na ang bansa ay magsusulong ngayon ng tinatawag na “independent foreign policy”. Ibig sabihin, hindi na sasandig ang Pilipinas sa US kundi makikipag-ugnayan din sa iba pang mga bansa, gaya ng China at Russia. Pinapupunta nga niya si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa China at Russia upang makipagkasundo sa pagbili ng mga kagamitan doon.

Nais din niyang palayasin ang US special forces na nasa Mindanao na nagbibigay ng pagsasanay at tulong sa mga kawal-Pilipino bukod pa sa pagtatayo ng mga paaralan at iba pang istruktura roon. Gayunman, nang mahimasmasan o matauhan yata, sinabi ng kanyang mga tagapagsalita na ang “pagpapalayas” sa US forces sa Mindanao ay walang kaugnayan sa independent foreign policy.

Noong Miyerkules, nagdudumilat sa ilang English broadsheet ang banner story na “Ph, not cutting ties with US–Duterte”. Ano ba ito, pabagu-bago, paiba-iba. Sasabihin ngayon,babaguhin o babawiin kinabukasan. O ang pahayag at desisyon ng Pangulo ay depende sa kanyang mood. Kapag galit siya, kahit sino ay kanyang minumura, tulad nina Pope Francis, US Ambassador Philip Goldberg (a gay, and son of a whore), Obama, at Sen. Leila de Lima (immoral woman).

Isa pang kontrobersiya ay tungkol sa kaso ni Mary Jane Veloso na nahulihan ng 2.6 kilogram ng heroin sa airport ng Indonesia. Hinatulan siya ng kamatayan, pero sa apela noon ni ex-Pres. Aquino, hindi itinuloy ang pagbitay. Nakausap daw ni Duterte si Indonesian Pres. Joko Widodo at sinabihan daw siya ni RRD na ituloy ang pagbitay kay Veloso.

Itinanggi ni Mano Digong at ng mga alalay na binigyan niya ng “go signal” ang pagbitay. Magkakaiba ang pahayag nina DFA Sec. Perfecto Yasay na nagsabing hindi pinag-usapan nina Widodo at Duterte ang kaso, samantalang sinabi naman ni Agriculture Sec. Manny Piñol na umapela ng clemency si Duterte kay Widodo upang hindi bitayin si Mary Jane.
(Bert de Guzman)

Previous Post

Direk Mark Reyes, babaguhin ang ‘Encantadia’

Next Post

‘Paralympic Pele’, bida sa Rio Para Games

Next Post

'Paralympic Pele', bida sa Rio Para Games

Broom Broom Balita

  • DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case
  • Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA
  • Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers
  • ₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!
  • Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case

June 6, 2023
Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

June 6, 2023
Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

June 6, 2023
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!

June 6, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?

June 6, 2023
Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

June 6, 2023
Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

June 6, 2023
PBBM kay ‘BFF’ VP Sara: ‘Sa ayaw at gusto mo, I’m still your number one fan’

VP Sara, ipinaabot ang ‘pagmamahal’ kay PBBM, ngunit tumangging banggitin ‘middle initial’ nito

June 6, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

PCSO: Jackpot prizes ng GrandLotto 6/55 at MegaLotto 6/45, sabay napanalunan!

June 6, 2023
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.