• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Kalyeserye, ipapahinga muna

Balita Online by Balita Online
September 6, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Kalyeserye, ipapahinga muna
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

paolo, maine, alden, wally at  jose copy

NAKAKATAWA rin ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza. Nitong mga nakaraang araw, marami sa kanila ang nagrereklamo na tapusin na raw ang kalyeserye ng Eat Bulaga dahil hindi na maganda ang takbo ng story at naiinis sila kapag konting oras na lamang ang natitira sa show para makita nilang magkasama ang kanilang mga idolo.  

Noong Sabado, September 3, nagulat ang mga nanood nang live sa Broadway studio at ang televiewers nang biglang matapos ang kalyeserye sa hashtag na #ALDUBLolasUSBound.  

Nagpaalam na sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) sa apong si Maine dahil gusto na nilang bumalik sa Amerika dahil nandoon ang pamilya nila. Maiiwan sa mansion si Maine at pinakiusapan nila si Alden na alagaang mabuti ang kanilang apo, dahil malaki naman ang tiwala nila sa kanya. Iniwanan din ng mga lola ang mga Rogelio para mabantayan si Maine.

Nagpahayag ng pasasalamat si Lola Nidora: “Maraming salamat po sa pagsuporta sa kalyeserye at sa walang sawang pagsubaybay sa show. Kung hindi dahil sa inyo, hindi kami magtatagal nang ganito at nawa’y marami kayong natutunan sa amin. See you soon!”

Nagsimula ang kalyeserye noong July 16, 2015 nang unang magkita sa split screen sina Alden at Maine at natapos noong September 3, dalawang araw matapos sagutin na ng ‘oo’ ni Maine si Alden.

Ngayon naman, sinasabi ng AlDub Nation, bakit daw natapos na ang kalyeserye na nagbibigay ng kasiyahan sa kanila lalo na sa mga nagmamahal kina Alden at Maine, silang may mga maysakit na kaaliwan sila tuwing tanghali. Nakakalungkot din daw palang hindi na nila mapapanood ang mga lola. 

Nakausap namin si Jose noong Linggo, September 4, bago nagsimula ang celebration ng first birthday ng Sunday Pinasaya at nasabi namin na maraming nanghihinayang sa pagtatapos ng kalyeserye. 

Ibabalik din naman daw ng Eat Bulaga, papahingahin lang muna. At sa pagbabalik, baka raw iba na ang takbo ng istorya at mapo-focus naman kina Alden at Maine, baka sila iyong normal nang trio nina Wally at Paolo Ballesteros. In-assure na niyang babalik na si Paolo sa show. 

Sa ngayon daw kasi, busy na silang nagsu-shooting ng Enteng Kabisote 10 The Abangers para sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Kailangan na raw nilang mag-full-time ng shooting nina Bossing Vic Sotto dahil sa October 31 na ang deadline of submission ng finish product ng bawat lalahok sa festival para piliin ang eight movies na magiging official entry sa MMFF ng screening committee.

Kaya sina Alden at Maine ay makakasama raw muna nila sa sugod bahay ng Juan For Fall All For Juan. Ibabalik din ang “Lola’s Playlist” na sinimulan nila noon sa kalyeserye na mga batang age 12 below ay kakanta ng mga old songs noong 50s, 60s, 70s. (NORA CALDERON)

Tags: Alden Richardsjose manaloLola NidoraNORA CALDERONPaolo Ballesterosvic sotto
Previous Post

6 lalawigan, delikado sa baha

Next Post

ALAY SA KAARAWAN NI MAMA MARY

Next Post

ALAY SA KAARAWAN NI MAMA MARY

Broom Broom Balita

  • Babae sa Cebu City, arestado dahil sa pagbebenta ng hubad na larawan ng sarili, mga kapatid online
  • DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
  • ‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong
  • Robert Bolick, balik-NorthPort na!
  • ‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.