• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Salvage victim bumulaga 3 TODAS SA SHOOTOUT SA CHECKPOINT

Balita Online by Balita Online
September 5, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pinalampas ng awtoridad ang pagkakataon na mapatay ang tatlong armado na nakatakda umanong magtapon ng bangkay matapos umiwas sa checkpoint sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay na armado na sakay ng isang gray Toyota Avanza, may plakang TGB-477, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat na natanggap ni acting Southern Police District (SPD) Director chief Supt. Tomas Apolinario, dakong 1:20 ng madaling araw isinagawa ng mga tauhan ni Las Piñas City Police chief Sr. Supt. Jemar Modequillo ang Oplan Sita sa Real Street at Naga Road, Barangay Pulang Lupa Uno.

Pinahihinto umano ng mga pulis ang sasakyan na kinalululanan ng tatlong armado nang biglang magpaputok ang mga ito, at pilit iniwasan ang checkpoint at dali-daling tumakas patungong C5 Extension.

Hinabol ng awtoridad ang mga suspek hanggang sa makorner ang mga ito habang nakikipagbarilan at tuluyang bumulagta ang tatlo.

Natagpuan sa compartment ng naturang sasakyan ang bangkay ng isang lalaki na ibinalot sa packaging tape ang mukha, nakagapos ang kamay at paa, at isang placard na may nakasulat na, “Tulak ako…magnanakaw…wag tularan”.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng SPD sa pinangyarihan ang isang .9mm pistol (armscor), isang shotgun, isang kalibre .38 na baril at pakete ng shabu.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (BELLA GAMOTEA)

Tags: Bella GamoteaDencio PadillaTomas Apolinario
Previous Post

Caligdong, balik-aksiyon sa Azkals

Next Post

Pulis, holdaper patay sa engkuwentro

Next Post

Pulis, holdaper patay sa engkuwentro

Broom Broom Balita

  • Sulu, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita
  • Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden
  • Masbate, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Inflation ng Pilipinas, bumagal
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Sulu, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

June 3, 2023
GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita

GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita

June 3, 2023
Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

June 3, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Masbate, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

June 3, 2023
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.