• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Ligawan at sagutan ng AlDub, wala sa script ng kalyeserye

Balita Online by Balita Online
September 4, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Ligawan at sagutan ng AlDub, wala sa script ng kalyeserye
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ALDEN AT MAINE copy copy

OFFICIAL na ang pagiging mag-sweetheart on and off camera nina Alden Richards at Maine Mendoza na napanood Eat Bulaga nationwide at maging sa ibang bansa.

Big event at hindi na malilimutan ng AlDub Nation ang September 1, 2016, ang 59th weeksary celebration sa kalyeserye.

Walang nag-expect na ganoon ang mangyayari sa weeksary dahil hindi nakita si Alden sa ibang segment ng EB maliban sa pagpasok niya sa kalyeserye, sa paborito nilang nook ni Maine sa studio kapag may special occasion sila.

Mabilisan ang pangyayari nang after magselos si Alden kay MM na pinsan naman pala ni Maine na dinalaw niya sa States, biglang tinanong na ni Alden si Maine ng, “Mahal mo ba ako?” 

Halatang nabigla si Maine at humingi pa ng saklolo sa kanyang Lola Nidora (Wally Bayola) kung iyon na raw ba ang tamang panahon at sagot sa kanya, “Go for it.”

“Sasagutin mo na ba ang tanong ko? Handa ka na bang maging tayo?” ulit ni Alden.

Hindi pa rin sumagot si Maine at nag-dubsmash sila ng mga paborito nilang kanta pero makulit si Alden, seryoso uling nagtanong ng, “Maine, mahal mo ba ako? May mga bagay na dumarating sa buhay ng tao, iyong magpapabago ng takbo nito, iyong hindi mo inaasahan pero tinatanggap mo, pinahahalagahan, aalagaan habang buhay at makakasama sa habang panahon.”

Nagpakita muna ng video ng mga eksena sa kalyeserye simula nang magkakilala sila, ang paghihirap ni Alden sa mga pagsubok ni Lola Nidora, hanggang sa ngayon. At muling nagtanong si Alden:

“Maine, tinatanggap mo ba ako? Mahal mo ba ako, Maine? Mahal kita.”

Dito na narinig ang pasigaw na boses ni Allan K: “Sagot na, Maine, true to life na ‘yan!” At ang isa pang mahal na mahal ang AlDub, si Tito Sen ang nagsabi naman ng, “Dinirekta na.”

Nakitang tahimik si Maine, pero nang hawakan siya sa kamay ni Alden, nakitang nakangiti niyang sagot: “Oo, Alden, mahal din kita.” 

Napaluhod at mahigpit na yumakap si Alden kay Maine habang parehong umiiyak.

“Tatandaan ko ito.” Sabi ni Allan K, “sa 59th weeksary naganap.”

Nakita rin ang dalawang lola na umiiyak. Sabi ni Lola Tinidora (Jose Manalo), natapos na rin, biro mo nga namang inalagaan nila ang dalawa for more than one year, since day one, on July 16, 2015 to September 1, 2016. At siyempre, nakita rin ang pagluha ng AlDub Nation sa Broadway studio at ang paglundag din nila sa tuwa. Ang EB Dabarkads, umiyak din sa tuwa dahil nakita nila, live na live, ang pangyayari sa dalawang mahal nila sa show.

May nagpadala sa amin nito: “Wala pong script ang kalyeserye today ayon sa staff ng EB. Kung ano ‘yung napanood n’yo totoo lahat lalo na ‘yung sa part ng AlDub kung saan naging emotional sila pareho. As you can see when Alden asked Maine kitang-kita ang gulat ni Maine na napansin din ni Allan K. True and legit po ang nangyari sa EB o KS, from legit source from EB.”

Heto pa ang isa: “I tried my best na ilihim ito, but here’s the truth. Believe it or not, not everything is scripted.

The video was made by Moty, as per Alden’s request, he asked EB staff not to tell Maine that he will come today, then when the writers told him about today’s episode, Alden asked them if he can do what we want. And then bang! The ‘mahal kita at tatanggapin mo ba ko’ by Alden is his own words.

“You know why Maine cried? Because Alden is never been vocal, iyakan sila after, may gagawin pa nga na dapat they will kiss, pero they just hugged at the backstage crying and happily exchanging ‘I love you!’ They even make mano to TVJ (Tito, Vic & Joey).”

Sa palagay namin, ginawa na ito ni Alden para mahinto na ang mga tanong sa kanila kung ano ang label ng relasyon nila. Although marami nang nakakaalam na matagal na silang on, pero itong September 1, ang matatandaang araw ng opisyal nilang pag-amin sa tunay nilang relasyon. So, congratulations, Alden and Maine, patunayan ninyong may forever!

Tags: Alden RichardsAllan K. TrueEddie Rodriguezjose manaloLola NidoraLola Tinidora
Previous Post

May pagbabago na sa NBP

Next Post

SC, pinagpaliwanag ang PAGCOR

Next Post

SC, pinagpaliwanag ang PAGCOR

Broom Broom Balita

  • DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
  • ‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong
  • Robert Bolick, balik-NorthPort na!
  • ‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
  • Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.