• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Jackie Chan, gagawaran ng honorary Oscar

Balita Online by Balita Online
September 2, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Jackie Chan, gagawaran ng honorary Oscar
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Jackie-Chan-1 copy

TATANGGAP ang Asian superstar na si Jackie Chan ng honorary Oscar, ayon sa Academy noong Huwebes, para kilalanin ang matagumpay at makulay na career niya na naghatid sa kanya sa pagiging cultural icon.

Lumabas sa mahigit 150 pelikula ang 62-year-old martial artist, na nakilala sa mga nakakatawa at nakakamanghang fight scene, simula nang maging child actor sa Hong Kong noong 1960s.

Pararangalan din ang film editor na si Anne Coates, casting director na si Lynn Stalmaster, at documentary filmmaker na si Frederick Wiseman ng Oscar statuettes sa 8th Annual Governors Awards ng Academy sa Nobyembre.

“The honorary award was created for artists like Jackie Chan, Anne Coates, Lynn Stalmaster and Frederick Wiseman — true pioneers and legends in their crafts,” ani Cheryl Boone Isaacs, presidente ng Academy.

Dumating ang Hollywood breakthrough ni Chan sa pelikulang Rumble in the Bronx noong 1996, at naging global star sa mga pelikulang Rush Hour, Shaghai Noon, The Karate Kid, at Kung Fu Panda.

Nanalo si Coates, 90, na nakatira sa England, para sa kanyang trabaho sa Lawrence of Arabia ni David Lean at sa loob ng mahigit 60 taon bilang film editor ay nakatrabaho na niya ang mahuhusay na direktor sa industriya.

Nagsimula si Stalmaster, 88, one-time stage at screen actor mula Omaha, Nebraska, na maging castig director noong 1950, at nag-sign up ng mga talent sa mahigit 200 pelikula, kabilang ang The Graduate, Deliverance, at Tootsie. 

Kabilang sina Lauren Bacall, Francis Ford Coppola, Oprah Winfrey, Angelina Jolie at Spike Lee sa mga nauna nang tumanggap ng honorary Oscars. (AFP)

Tags: angelina jolieAnne CoatesCheryl Boone IsaacsDavid LeanFrancis Ford CoppolaFrederick WisemanJackie ChanLauren BacallLynn Stalmasterna maging castig directorOprah WinfreySpike Lee
Previous Post

2 magsasaka, naospital sa dwelo

Next Post

Uzbek president malubha

Next Post

Uzbek president malubha

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.