RIO DE JANEIRO (AP) — Dalawang araw matapos ang matinding pagtutunggali sa finals ng 100 meter breastroke, muling magtutuos sina Lilly King ng Unites States at Yulia Efimova ng Russia sa 200-meter final, ngunit nagbabanta na makasingit si Rikke Moller Pedersen ng Denmark.
Nasa ikalimang puwesto si King, gold medalist sa 100-meter, matapos mag-init sa semifinals nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa tiyempong 25.89 segundo.
Samantala, nakamit naman ni Efimova, silver medalist noong Lunes at Olympic bronze medalist sa 200 noong 2012, ang ikatlong puwesto, kahit pa tinapos niya ito ng malakas, at kuwalipikado sa ikatlong pwesto na may 23.90.
Naging mainit ang hidwaan ng dalawa matapos masangkot sa doping ang Russian-whistleblower sa nagaganap na pandaraya sa doping results ng state-run laboratory sa Moscow.
Iginiit ni King na walang puwang ang tulad ni Efimova sa Olympics.
Isinalin Ni Lorenzo Jose Nicolas