• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Beautiful Bohol

Balita Online by Balita Online
August 8, 2016
in Features, Tourism
0
Beautiful Bohol
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Beautiful Bohol

Isinulat at larawang kuha ni DAISY LOU C. TALAMPAS

TATLONG taon makalipas ang naranasang malakas na lindol sa Bohol, sa pamamagitan ng ibayong pagsisikap ng lokal na pamahalaan at ng mga residente, ang first income class island province ay muling bumangon, sumigla, at bumalik ang mga turista.

Sakay ng aming favorite Philippine Airlines, makaraan ang isang oras na maginhawang pagbiyahe, ako at ang aking pamilya ay sinalubong ng representative ng Bellevue Resort na aming tinuluyan. Maganda, malinis, masarap, magalang — ito ang mga katangian ng Bellevue Resort Hotel 5-star accommodation at ipinagmamalaki ng Bohol.

Hindi lamang water activities ang dinarayo sa Bohol. Educational ang tour. Kahanga-hanga ang Chocolate Hills na mag-iisip ka kung paano ito ginawa, o ano kaya ang nangyari noon sapagkat tunay na kamangha-mamangha  ang wari’y pinagsunod-sunod na mga bundok. Ang mga cute na tarsier na patuloy na pinangangalagaan ay nakaaaliw pagmasdan bagamat nakakaawa rin naman dahil sila ay nagagambala sa kanilang pamamahinga sa araw. Tanyag din ang Sikatuna Blood Compact Shrine na isa sa bumuo ng kasaysayan ng isla. 

Hindi rin kumpleto ang pamamasyal sa Bohol kung wala kang picture sa simbahan ng Baclayon sapagkat ito ang pangalawang pinakamatanda sa buong Pilipinas. Ang aking pamilya ay frequent traveler at sa bawat biyahe kailangang magawa namin ang ispiritual na obligasyon gaya ng pagbisita sa mga simbahan, at nakatutuwang malaman na ang mga sasakyang pampubliko sa Bohol ay may mga Biblical messages lahat.

Masarap na tanghalian naman ang nakahain sa mga floating restaurant sa malalaking bangka habang  bumabaybay sa Loboc River at sa saliw ng musika ng singers ng river cruise. Nakakaaliw rin ang mga sayaw at awit ng mga Boholanon na nag-aabang sa istasyon  ng ilog kaya ang mga turista ay sadyang bumababa ng bangka upang makisayaw ng Tinikling.

Kung ang Davao ay may Duterte, ipinagmamalaki naman ng Bohol ang ika-4 na Philippine president na sa kanila nagmula — si President Carlos P. Garcia.

Halos lahat ng magagandang beaches, resort ay nabisita na namin ngunit iba nga ang Bohol. Mula pagdating hanggang sa pag-uwi ng kanyang panauhin ay sinisigurado ang kasiyahan at kaginhawahan.  Sa departure area ng Tagbilaran airport ay umaawit ang mga bulag (PWDs) habang naghihintay ang mga pasahero. Ang kanilang awiting “Balik-balik Bohol” ay tunay ngang nag-aalok. Babalik-balikan mong talaga ang beautiful Bohol.

Tags: balitaboholphilippinesPilipinastagalog newstourism
Previous Post

QC councilor nagpositibo sa drug test

Next Post

SHUT UP!

Next Post

SHUT UP!

Broom Broom Balita

  • Piolo Pascual, may hugot sa pagkain mag-isa: ‘Di ba puwedeng nagtitipid lang?’
  • ‘Self-service si Father!’ Sakristang nakaidlip sa sermon ng pari, kinaaliwan
  • Whamos Cruz, namigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Taytay, Rizal
  • ‘Unkabogable hair art!’ Mukha ni Vice Ganda, dinisenyo sa hair cut
  • Voltes V Legacy, magbo-volt in muna sa mga sinehan bago sa TV
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.