BANGKOK/KHON KAEN, Thailand (Reuters) – Bumoto ang mga Thai noong Linggo sa referendum para sa bagong konstitusyon na suportado ng junta at magbibigay-daan sa pangkalahatang halalan sa 2017 ngunit hinihiling sa mga susunod na gobyerno na mamuno alinsunod sa itinatakda ng militar.
Ang botohan ay ang unang malaking pagsubok sa popularidad ng junta na pinamumunuan ni Prime Minister Prayuth Chan-ocha, na sinupil ang mga political na aktibidad sa loob ng dalawang taon simula nang agawin niya ang kapangyarihan sa kudeta noong 2014. Bago ang referendum, lumutang sa mga survey na mas marami ang pumapabor sa bagong konstitusyon, ngunit karamihan ng mga botante ay hindi pa rin nakakapagpasya. Lumabas ang mga inisyal na resulta dakong 8.00 p.m.
Sinabi ni Prayuth na hindi siya magbibitiw kapag tinanggihan ng Thailand ang konstitusyon at tuloy pa rin ang eleksiyon sa susunod na taon anuman ang magiging resulta ng botohan.