• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

AlDub movie, tumabo ng P13M sa opening day

Balita Online by Balita Online
July 15, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
AlDub movie, tumabo ng P13M sa opening day
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ALDEN AT MAINE copy copy

NAKA-JACKPOT ang APT entertainment, MZet Productions at GMA Films sa Imagine You & Me nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil umabot sa P13M ang kinita sa opening day nito.

“Actually more than P13M ang alam ko,” sabi ng taga-APT Entertainment, “hindi ko lang alam ang exact figures. Walang padding ‘yan, ha?”

Mukhang magkakatotoo ang biru-biruang target gross income sa presscon ng Imagine You & Me na baka raw abutin ng P1B.

Malaking bentahe ng pelikula ng AlDub na binigyan ito ng MTRCB ng General Patronage rating, kaya sakop lahat ng audience, puwedeng manood.

Nalaman din namin kahapon na inihahanda na ang next project nina Alden at Maine na pang-Valentine’s Day na dapat sana ay pang-MMFF pero hindi na aabot dahil sa hectic na schedule ng dalawa.

Samantala, may naamoy kaming tsika na may gusto raw kay Maine ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico na konsehal ngayon ng Pasig City.

Kapag on location ang Eat Bulaga at sa barangay na nasasakupan ni Vico ay sobrang aligaga raw ang binata kay Maine at kinikilig naman ang dalaga.

Maraming nakakakita sa kanila kaya hindi raw puwedeng itanggi ni Maine.

Hindi raw kasi humihiwalay ang tingin ni Vico kay Maine, at nang minsang pumunta si Alden sa location ay nagulat daw ang dalawa.

Kaya pala sa presscon ng pelikula ay hindi nasagot ni Maine ang tanong kung may boyfriend na siya at ang sagot na lang niya ay, “Ah… tubig…” sabay taas ng baso habang nakatingin sa kanya si Alden.

Ano kaya ang reaksyon ng AlDub Nation dito? (Reggee Bonoan)

Tags: AlDubbalitaNewsphilippines
Previous Post

CHR, pasok sa extrajudicial killings

Next Post

DFA: OFW passport, makukuha sa 1-araw

Next Post

DFA: OFW passport, makukuha sa 1-araw

Broom Broom Balita

  • Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar
  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

September 29, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.