• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘Texting rhythm’, epekto sa utak na dulot ng pagti-text

Balita Online by Balita Online
July 8, 2016
in Features, Kalusugan
0
‘Texting rhythm’, epekto sa utak na dulot ng pagti-text
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

texting-girls copy

Sa panahon ngayon, tila naging mahalagang bahagi na ng pangaraw-araw na buhay ang smartphones – at may bagong pag-aaral na nagmumungkahi na ang pagtetext sa gadget ay maaaring makapagbago ng mga proseso sa utak.

Maaaring maging sanhi ang pagtetext ng pansamantalang pagbabago sa proseso ng brain waves ng tao, na nagbubunga ng kakaibang pattern sa texters, ayon sa researchers.

Tinawag ng mga scientist ang kakaibang unique pattern ng brain waves bilang “texting rhythm.”

Nagulat sila na ang rhythm ay maaaring ma-prodyus ng iba’t ibang pasyente sa pag-aaral, sabi ni Dr. William Tatum, neurologist sa Mayo Clinic College of Medicine sa Jacksonville, Florida at ang pangunahing author ng nasabing pag-aaral. Kakaiba ang pagkadiskubre ng bagong pattern ng brain-wave – mas normal ito sa mga taon noong bandang 1920, kung saan ang device na electroencephalogram (EEG), na nagpapakita ng aktibidad sa utak, ay naimbento, sabi nito.

Sa pag-aaral, gumamit ang researchers ng EEG monitoring para matingnan ang brain waves ng 129 na tao habang sila ay nagtetext o gumagawa ng ibang aktibidad. Ang iba naman sa mga pasiyente ay na-diagnose na may epilepsy, ayon sa pag-aaral.

Bukod sa pagtetext, ang mga tao sa pag-aaral ay pinagawan ng ibang gawain – tulad ng ibang pag-galaw, cognitive activities at speech – para makita kung ang mga nasabing gawain ay magreresulta sa parehong rhythm, sabi ni Tatum sa Live Science. Pero, ang brain-wave pattern na napagmasdan ng mga researchers habang ang mga tao ay nagtetext, sa smartphone o tablet, ay hindi nakita kapag ang mga tao ay gumagawa ng ibang gawain, sabi niya.

Natagpuan na 27 katao sa pag-aaral ang nagpapakita ng texting rhythm, kasama ang ibang mga pasyente na may epilepsy at iba na walang kondisyon, sulat ng mga researchers sa kanilang pag-aaral, na nilabas sa isyu noong Hunyo ng journal Epilepsy and Behavior.

Hindi pa tiyak kung bakit hindi lahat ng tao na kasama sa pag-aaral ay hindi nagpakita ng texting rhythm, ani Tatum.

Ngunit, ang ibang “reactive” brain rhythms na natagpuan ng researchers – tulad ng mga na-trigger na flashing lights, hyperventilation at mental concentration – ay hindi rin nangyari sa lahat, sabi niya.

Patuloy na nag-iimbestiga ang mga researchers kung sino sa mga tao ang makakaranas ng texting rhythm, sabi nito.

Marami pa ring mga katanungan tungkol sa resulta at marami pang kailangan na pag-aaral tungkol sa brain-wave pattern, sabi ng mga researchers.

Idinagdag ni Tatum na sa puntong ito ay walang indikasyon na kailangang baguhin ang pamamaraan sa paggamit dahil sa texting rhythm.

“We are making an effort to verify that this is an active rhythm without harm given the time-synced nature of the rhythm when it appears,” aniya.

Pero, iminumungkahi ng pag-aaral na ang pagtetext ay maaaring makapagpabago ng brain activity, na mas nakakatulong sa mga batas na nagpapahinto sa texting at driving, saad ng researchers. Ang pagtetext ay nagsisilbing “simple distraction,” anila. (LiveScience.com) 

Tags: balitaNewsphilippinesTexting rhythm
Previous Post

Mar Roxas: Wala akong kinalaman sa ‘narco generals’

Next Post

Bimby, trending ang bagong gupit

Next Post
Bimby, trending ang bagong gupit

Bimby, trending ang bagong gupit

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.