• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

PALASYO NG BAYAN

Balita Online by Balita Online
July 2, 2016
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SA kanyang pakikisalamuha sa mga maralita sa lungsod ng Maynila pagkatapos ng panunumpa sa tungkulin, tandisang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na ang Malacañang ay bubuksan niya para sa lahat. Ibig sabihin, ang sinuman ay malaya nang makapapasok sa naturang makasaysayang gusali, lalo na nga ang karaniwang mamamayan. Ito kaya ay tatagurian na ngayong Palasyo ng Bayan?

Damang-dama marahil ang matinding pananabik ng mahihirap upang masilayan ang naturang kaharian ng mga makapangyarihan, walang pangingimi at halos ipagsigawan ng Pangulo: Magdala na kayo ng kumot at unan at doon na kayo matulog sa Malacañang. Nagbunyi ang sambayanan sapagkat batid nila na ang pagtungo sa Malacañang ay mistulang pagpasok sa butas ng karayom, wika nga, lalo na sa mga nakalipas na administrasyon. Kahit na ang mga pangunahing kalye sa paligid nito ay isinara sa trapiko; ang mga entry point ay nahaharangan ng mga bakod na bakal na nababalutan ng mga barbed wire. Sobrang higpit upang matiyak ang seguridad na manaka-nakang binabagabag ng mga karahasan.

Hindi lamang ngayon, kung sabagay, masasaksihan ang mistulang open house sa Malacañang. Noong panahon ni dating Pangulong Ramon Magsaysay – ang lider na tinaguriang Man of the Masses o Idolo ng Masa – ang sinuman ay malayang nakapapasok sa naturang lugar. Laging nakabukas ang mga pintong bakal at wala akong natatandaang sumisitang mga sundalo o pulis bagamat sila ay nanatiling nakatanod sa iba’t ibang dako ng Malacañang. May pagkakataon na ang Pangulo ay makikitang palakad-lakad sa malawak na hardin niyon; kung minsan ay nakasakay pa sa kanyang paboritong kabayo. At may pagkakataon din na kaming mga magkakamag-aral sa kalapit na V. Mapa High School ay nakakadaupang-palad ni Magsaysay, halos 60 taon o anim na dekada na ang nakalilipas.

Natitiyak ko na ang ganitong pagkakataon ang pananabikan ng mga maralita na nakasalamuha ni Presidente Duterte kamakalawa ng gabi sa Tondo. Nais din nilang masilayan siya sa Malacañang sa kanilang pagtungo roon, makamayan, mayakap at maipadama ang kanilang mga karaingan. Nangangahulugan kaya ito na nais nilang siya ay manirahan sa Malacañang sa panahon ng kanyang anim na taong panunungkulan, tulad ni Magsaysay?

Isa lamang ito sa mga barometro ng matapat na pagtanggap sa sinuman sa Palasyo ng Bayan. (Celo Lagmay)

Tags: bayan
Previous Post

2 sa DoLE, patay sa holdap; P2.4M, bigong matangay

Next Post

Broadcaster, sugatan sa riding-in-tandem

Next Post

Broadcaster, sugatan sa riding-in-tandem

Broom Broom Balita

  • Celiz, tinawag na ‘illegal president’ si Romualdez
  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Kampeonato, kinamkam ng Green Archers vs UP Maroons
  • Number coding, kinansela ng MMDA sa Dec. 8
  • 4 cases ng ‘walking pneumonia’ sa Pilipinas, kinumpirma ng DOH
Celiz, tinawag na ‘illegal president’ si Romualdez

Celiz, tinawag na ‘illegal president’ si Romualdez

December 7, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

December 7, 2023
Kampeonato, kinamkam ng Green Archers vs UP Maroons

Kampeonato, kinamkam ng Green Archers vs UP Maroons

December 7, 2023
Number coding scheme, suspendido muna — MMDA

Number coding, kinansela ng MMDA sa Dec. 8

December 7, 2023
Unang kaso ng B.1.1.318 variant sa PH, naitala

4 cases ng ‘walking pneumonia’ sa Pilipinas, kinumpirma ng DOH

December 7, 2023
House reso, inilabas upang kondenahin illegal actions ng China sa WPS

House reso, inilabas upang kondenahin illegal actions ng China sa WPS

December 7, 2023
DOH: Wala pang reklamo sa pagkakasibak ng 80,000 barangay health workers

DOH: Wala pang reklamo sa pagkakasibak ng 80,000 barangay health workers

December 6, 2023
Libreng HIV testing sa QC Hall, hanggang Dis. 7 na lang

Libreng HIV testing sa QC Hall, hanggang Dis. 7 na lang

December 6, 2023
France, ‘ready’ na sumali sa maritime patrols sa WPS

Kasama Pilipinas: France ‘ready’ na sa ilulunsad na joint sea, air patrols sa WPS

December 6, 2023
Daniel, insecure kay Alden?

Daniel, insecure kay Alden?

December 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.