• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

2 drug suspect patay, 6 pa, arestado sa Cavite

Balita Online by Balita Online
June 27, 2016
in Probinsya
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BACOOR, Cavite – Dalawang umano’y drug pusher ang napatay matapos umanong manlaban at paputukan ang mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Molino III sa siyudad na ito.

Isa namang umano’y tulak at apat na drug user ang nadakip matapos maaktuhan sa pot session sa nasabing operasyon, dakong 9:30 ng gabi nitong Sabado.

Batay sa report ni Senior Supt. Rommel Estolano, hepe ng Bacoor City Police, kinilala sa mga alyas na “Onyok” at “Totoy” ang mga napatay, na sinasabing mga kilabot na drug pusher sa lugar.

Napag-alaman na habang inaaresto, pinaputukan umano ng dalawang napatay ang mga pulis kaya napilitang gumanti ang awtoridad matapos magkahabulan at makorner ang dalawa sa Camella North Springville Subdivision sa Bgy. Molino III.

Sa nasabing operasyon, dinakip din si Saturnino Tidoy Majeco, alyas “Bebot” 55, umano’y drug pusher, at ang target sa buy-bust; habang naaktuhan naman sa pot session kaya inaresto rin sina Remigio Brosas Antillon, 48; Joshua Mammuad Miguel, 22; Miguelito Quoite Señadan, 28; Robert Bagusan Rabang, 32; at Charlie Ulito Villegas, 33 anyos.

Narekober sa operasyon ang isang .45 caliber pistol na kargado ng apat na bala, isang .38 caliber revolver na may limang bala, limang sachet ng hinihinalang shabu na nasa 5.6 gramo, P700 marked money, at drug paraphernalia.
(BETH CAMIA at ANTHONY GIRON)

Tags: bacoorcavite
Previous Post

PNP: 63 tulak napatay; 4,312 naaresto sa anti-illegal drugs ops

Next Post

HINAY- HINAY SA PAGTUMBA

Next Post

HINAY- HINAY SA PAGTUMBA

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.