• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

PAGTATAKA AT PAGHANGA

Balita Online by Balita Online
June 25, 2016
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

TIYAK na magkahalong pagtataka at paghanga ang nadarama ng mga mamamayan kaugnay ng sunud-sunod na pagpatay ng mga pinaghihinalaang drug pusher at user sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Ang walang patumanggang pakikipagbarilan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa naturang mga sugapa sa ipinagbabawal na gamot ay totoong nakapagtataka lalo na ngayong ilang araw na lamang at papalitan na ang kasalukuyang administrasyon.

Dahil dito, hindi rin maiiwasan ang sunud-sunod na katanungan: “Ngayon lamang ba natuklasan ng PNP na matagal nang naglipana ang mga nagbebenta at gumagamit ng bawal na droga, kabilang na ang mga drug lords? Hindi ba mismong PNP ang naglantad ng ulat na ang 92% ng Metro Manila ay talamak sa droga? Ang sunud-sunod na pagpatay sa mga drug pusher at user ay hindi kaya pagpapakitang-gilas lamang ng PNP sa susunod na administrasyon?” Marahil nga. May mga nagpapahiwatig na ang pagpaslang sa mga suspek na itinuturing na mga police asset ay maaaring sinasadya upang ang mga ito ay hindi makatestigo laban sa pulis na sinasabing sangkot sa mga drug syndicate. Kapani-paniwala na ang walang habas na pagtugis at pagpatay sa mga drug suspect ay bunsod ng matatag na determinasyon ng hahaliling administrasyon sa paglipol ng mga kriminal.

Kahit na sabihin pang pagpapakitang-gilas o pakitang-tao, ang pagsuong ng mga pulis sa panganib sa paglipol ng mga kampon ng kasamaan ay marapat lamang hangaan. Kahit na ang kanilang mismong mga kapwa alagad ng batas ay hindi nila pinanganganinuhan kailanma’t ang mga ito ay nasasangkot sa illegal drugs at iba pang krimen. Matindi ang kanilang paggalang sa kinaaaniban nilang organisasyon na walang ibang misyon kundi pangalagaan ang seguridad ng sambayanan.

Lalong magiging kahanga-hanga ang mga elemento ng PNP kung may mabibitay silang mga drug lord; alam nila ang kinaroroonan ng mga ito, pati ang mga pabrika ng bawal na droga. Ang mga drug lord, tulad ng mga gambling lord, smuggling lord, at iba pa, ay pinaniniwalaang mga kakutsaba ng ilang alagad ng batas. Hindi lamang mga pipitsugin o dagang-dingding, wika nga, ang kanilang napapatay.

Sa panunungkulan ng susunod na administrasyon, hindi lamang ang mga sibilyang drug pusher at user ang tutugisin, kundi ang mismong mga alagad ng batas na sugapa at sangkot sa sindikato ng droga. (Celo Lagmay)

Previous Post

Seaman, tumalon sa building; dedo

Next Post

Alden at Maine, sinimulan sa Cebu ang promo tour para sa pelikula nila

Next Post
Alden at Maine, sinimulan sa Cebu ang promo tour para sa pelikula nila

Alden at Maine, sinimulan sa Cebu ang promo tour para sa pelikula nila

Broom Broom Balita

  • Maguindanao Del Norte, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
  • Panahon ng tag-init, simula na sa bansa – PAGASA
  • Proteksyon laban sa cybercrimes schemes, pinagtibay!
  • LA Tenorio, na-diagnose ng Stage 3 colon cancer
  • Lalaki, napatay umano ng kainumang nakaalitan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.