• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Loisa, inaming M.U. na sila ni Joshua

Balita Online by Balita Online
June 22, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Loisa, inaming M.U. na sila ni Joshua
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

LOISA AT JEROME copy

ALMOST 15 years old lang si Loisa Andalio, as in nene pa, nang sumali sa Pinoy Big Brother 737. Ngayon, going 17 na pala siya.

Nang humarap si Loisa sa ilang press people sa set visit ng Wansapanataym Presents: Candy’s Crush sa Vera Perez Garden, ginulat kami ng malaking ipinagbago ng Kapamilya star, personality-wise. Dalagang-dalaga na siyang kumilos at sumagot sa mga tanong sa kanya.

Kaya naman pala pinagkakaguluhan siya ng tatlong leading men niya na sina Jerome Ponce (Wansapanataym: Candy’s Crush ), Joshua Garcia (sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita) at Yves Flores (Be My Lady).

Kay Joshua siya itinambal paglabas nila sa Bahay ni Kuya, ngayon ay exit muna ito dahil sa iba na siya itinatambal.

Binuwag na ba ang Loisa-Joshua love team?

“Ako po hindi ko po talaga alam,” simulang paliwanag ng dalagita. “Gaya nga ng sabi ko, nabigla lang rin ako sa kasama ko. Happy naman ako na makaka-work ko si Jerome. And si Joshua, happy rin ako na may work rin siya.”

Kasama si Jerome sa ginagawang movie ng KathNiel sa Barcelona, Spain.

Ibinuking ni Loisa na sa tatlong leading men niya, isa ang nagpapahaging o laging nagti-text sa kanya. Ayaw nga lang niyang pangalanan kung sino, sa katwirang, “Ayoko namang sabihan nila ako na feeling, or sabihin, nag-a-assume ako.”

Feeling ng reporters, may ‘something’ sila ni Joshua at may problems of the heart sila, na agad namang itinanggi ng dalagita.

“Going strong lang (ako),” aniya. “Kasi siguro iniisip nila na may relasyon at hiwalay na kami (ni Joshua) kasi hindi kami magkatrabaho. Pero hindi naman porke’t hindi kami magkatrabaho, still kayo na o break na kayo.”

Ano nga ba ang real score nila ni Joshua?

“Siguro special someone. Mutual (understanding). ’Yun na lang,” matipid niyang tugon.

Aniya, pareho silang busy ni Joshua ngayon, kaya less ang communications nila.

“Siyempre binibigyan mo naman siya ng space.”

Ang Wansapanatayn Presents: Candy’s Crush ay kuwento ni Candy (Loisa) na sinubukang gumamit ng gayuma para mapansin ni Jerome.

“Gusto ko kasing gumanti sa kanya kasi may ginawa siya sa akin na hindi maganda, ‘tapos ‘yun, gusto ko siyang gayumahin para pahirapan ko siya,” kuwento ng young actress.

Naniniwala ba sila sa gayuma, at kung sakali, sino naman ang gagayumahin nila?

“Baka magalit sa akin ang mga KathNiel, kasi ang gusto kong gayumahin ay si Daniel,” sabay tawang sagot ni Loisa.

“If given the chance, siyempre ang crush ko, si Ate Erich (Gonzales), gagayumahin ko lang para makausap, kuwentuhan lang,” sagot naman ni Jerome. “Wala akong ibang intensiyon kundi mapalapit sa kanya.” (ADOR SALUTA)

Tags: Loisa
Previous Post

Russian Olympian, umapela sa CAS

Next Post

Bali Pure at Air Force, asam ang Final Four sa V-League

Next Post
Bali Pure at Air Force, asam ang Final Four sa V-League

Bali Pure at Air Force, asam ang Final Four sa V-League

Broom Broom Balita

  • Mga nasawi sa bumagsak na temple roof sa India, umakyat na sa 35
  • Pope Francis, pagaling na sa bronchitis dahil sa antibiotics – Vatican
  • Mga provincial bus, puwede na ulit sa EDSA
  • Buwelta ng ina ni Jake Zyrus na tumalak sa kaniyang si Ogie Diaz: ‘Wait ka lang d’yan, bibigyan kita…’
  • Youtuber MrBeast, nagbigay ng kotse bilang tip sa isang waitress
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.