• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mindanao, ‘di na ‘back door’ ng ‘Pinas

Balita Online by Balita Online
May 30, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa pagtatatag ng tinaguriang “Malacañang in the South”, hindi na maituturing na “back door” ang Mindanao, matapos mahalal ang isang tubong rehiyon bilang susunod na pangulo ng bansa.

Ito ang naging taya ni Davao Information Officer Leo Villareal matapos kumpirmahin na sa Department of Public Works and Highways (DPWH) depot sa Panacan District, Davao City inaasahang maglalagi si incoming President Rodrigo Duterte sa kanyang panunungkulan.

“Ang Mindanao na ang ‘new front door’ ng Pilipinas, kasama ang mga economic partner tulad ng Brunei, Malaysia at Indonesia,” ayon kay Villareal.

Ayon pa kay Villareal, lalong lalakas ang East ASEAN Growth Area (EAGA)—na kinabibilangan ng Brunei, Indonesia, Malaysia at Pilipinas—dahil magiging sentro ng kalakalan ang Mindanao sa pag-upo sa puwesto ni Duterte.

Inaasahan, aniya, na magkakaroon ng mga bagong proyektong imprastruktura at oportunidad sa kalakalan sa Mindanao dahil sa itatayong “presidential office” sa Davao City.

Malaki rin, aniya, ang maitutulong nito sa pagtataas sa moral ng mga taga-Mindanao na ilang dekada nang binabagabag ng kaguluhan at karahasan na hindi nasolusyunan ng mga nakaraang administrasyon, dahil karamihan sa mga naluklok sa Malacañang ay mula sa Luzon. – Jonathan Santes

Tags: Leo VillarealmindanaoPresident Rodrigo Duterte
Previous Post

Dalaga, napagkamalang police asset; tinodas

Next Post

Lotlot, kinikilig sa love team nina Janine at Aljur

Next Post
Lotlot, kinikilig sa love team nina Janine at Aljur

Lotlot, kinikilig sa love team nina Janine at Aljur

Broom Broom Balita

  • BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon
  • PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker
  • Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’
  • Displaced students ng CDSL, tutulungan ng DepEd na makahanap ng lilipatang paaralan
  • Driver ng jeepney, naidlip habang nagmamaneho; 4 na sasakyan, inararo!
Comelec, nangako: Magiging mas transparent sa paghahanda para sa eleksyon

BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon

August 16, 2022
PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

August 16, 2022
Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

August 16, 2022
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

Displaced students ng CDSL, tutulungan ng DepEd na makahanap ng lilipatang paaralan

August 16, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Driver ng jeepney, naidlip habang nagmamaneho; 4 na sasakyan, inararo!

August 16, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

August 16, 2022
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

Pagpapalawig sa enrollment period, hindi pa natatalakay ng DepEd; Enrollees, higit 21.2M na

August 16, 2022
Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

August 16, 2022
‘Post your cinema list!’ Direk Darryl may challenge #2 para kay  Atty. Vince

‘Post your cinema list!’ Direk Darryl may challenge #2 para kay Atty. Vince

August 16, 2022
Chel Diokno, dinog show ang sarili? ‘Akala ko sa College of Dentistry ako maha-hire!’

Chel Diokno, dinog show ang sarili? ‘Akala ko sa College of Dentistry ako maha-hire!’

August 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.