• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Harbour Centre operations, ipinagkaloob ng CA kay Rep. Romero

Balita Online by Balita Online
May 23, 2016
in Balita
0
Pondo ng 1-Pacman, ilalaan sa atletang Pinoy
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Maaari nang magsimula sa operasyon ang grupo ni incoming party-list Rep. Michael Romero sa 10-ektaryang Harbour Centre Terminal.

Ito ay makaraang magpalabas ng go signal ang Court of Appeals (CA) sa kampo ni Romero para pangunahan ang operasyon sa nasabing terminal na unang inangkin ng kanyang amang si Reghis Romero II noong Oktubre 2014.

Sa 22-pahinang desisyon na ipinonente ni Associate Justice Leoncia Real-Dimagiba ng CA Special 15th Division, nakasaad na ang One Source Port Services, Inc. ang tunay na operator ng Harbour Service Centre salig sa valid at legal port ancillary services contract at port services management na nilagdaan nito sa Harbour Centre Port Terminal, Inc. (HCPT) noong Enero 22, 2007 at Hunyo 5, 2014.

Ayon sa korte, ang nasabing kontrata ang nagbigay sa One Source Port ng karapatan na pangasiwaan ang buong pasilidad ng terminal.

Kinatigan din ng Appellate Court ang writ of preliminary injunction na inisyu ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 presiding Judge Rolando Mislang noong Disyembre 18, 2014 na tuluyan nang nagbabawal sa kampo ng matandang Romero na magpalawang-bisa sa mga kontrata ng One Source at pagkontrol ng port operations.

Lumitaw din na ilegal ang pagtanggi ng matandang Romero na kilalanin ang mga kontratang pinasok nito sa One Source dahil sa kakulangan ng judicial determination bunsod ng hindi pagsunod sa mga nakasaad na kontrata. – Beth Camia

Tags: court of appealsHarbour Centre Port TerminalHarbour Centre TerminalInc.Leoncia Real-DimagibaMichael RomeroReghis Romero
Previous Post

TNAP convention ng Puregold, tagumpay

Next Post

Kampanya vs HIV/AIDS, mas paiigtingin

Next Post

Kampanya vs HIV/AIDS, mas paiigtingin

Broom Broom Balita

  • Ilang bahagi ng San Juan, Mandaluyong, makararanas ng water interruption mula Peb. 6-10
  • ‘Wag kang umiyak’: Ogie Diaz, binara ang pagdadrama ni Kuya Wil para sa ALLTV?
  • Kuya Wil, tinalakan! ALLTV, na-‘back to you’ raw ngayong magsasara umano ng ilang programa
  • Guro, hinamon ng tsokolate ng mga estudyanteng confident maka-perfect sa exam, kinaaliwan!
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.