• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Babaha ng condom sa Rio Olympics

Balita Online by Balita Online
May 22, 2016
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

RIO DE JANEIRO (AP) — Ipinahayag ng International Olympic Committee (IOC) na may kabuuang 450,000 condom ang ipamamahagi sa mga kalahok sa gaganaping Rio de Janeiro Olympics sa Agosto.

Ayon sa IOC, ang pamamahagi ng condoms ay bahagi ng kanilang kampanya para maisulong ang programa para sa ligtas na pakikipagtalik, ngunit hindi malinaw kung bahagi ito para makaiwas ang may 10,500 atleta sa mapanganib na Zika virus na laganap ngayon sa Brazil at karatig na mga bansa sa Central America.

Batay sa pananaliksik ng World Health Organization (WHO), ang Zika virus ay nagmumula sa lamok, ngunit malaki ang tsansang mailipat ito sa pamamagitan ng pagtatalik. Ang naturang virus ay may malaking kaugnayan sa ‘microcephaly’, isang kondisyon ng sanggol kung saan nagkakaroon ito ng abnormalidad sa paglaki ng utak at ulo.

Makukuha ang condom sa klinika ng Athletes’ Village, gayundin sa lahat ng vending machines sa mga venue. Bubuksan ang village sa Hulyo 24, habang ang opening ceremony ay nakatakda sa Agosto 5.

Tumaas ang bilang ng condom dahil kabilang dito ang 100,000 para sa kababaihan. Bukod dito, may nakahanda rin umanong 175,000 pakete ng lubricant.

Tags: Rio Olympics
Previous Post

Libreng pneumonia vaccine sa matatanda

Next Post

Baghdad riot: 4 patay, 90 sugatan

Next Post

Baghdad riot: 4 patay, 90 sugatan

Broom Broom Balita

  • Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa
  • Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila
  • 4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts
  • Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’
  • ‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

May 31, 2023
Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

May 31, 2023
12 pulis, 4 PDEA agents, kinasuhan kaugnay ng ‘misencounter’ sa isang drug war op sa QC noong Pebrero

4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts

May 31, 2023
Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

May 31, 2023
‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

May 31, 2023
Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

May 31, 2023
Joey de Leon sa pamamaalam ng EB: ‘We’re not signing off. We are just taking a day off!’

Joey de Leon sa pamamaalam ng EB: ‘We’re not signing off. We are just taking a day off!’

May 31, 2023

Sunog sa Mandaluyong, isa, patay

May 31, 2023
‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

May 31, 2023
Bagyong Betty: Batanes, nasa Signal No. 2 pa rin–3 pang lugar, apektado

Bagyong Betty: Batanes, nasa Signal No. 2 pa rin–3 pang lugar, apektado

May 31, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.