• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Jasmine, karay-karay ang boyfriend sa Italy

Balita Online by Balita Online
May 20, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Jasmine, karay-karay ang boyfriend sa Italy
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Jasmine Curtis Smith Jeff Ortega copy

TRAVEL buddy raw ni Jasmine Curtis Smith ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega, a young businessman na managing director ng La Union Surf School sa La Union. Mula siya sa mga Ortega sa North, na ang ilan ay mga artista rin and politicians, tulad ng mag-inang Michelle at Ysabel Ortega at actor/politician na si Robert Ortega.

Kasamang dumating ni Jasmine last Tuesday sa Como, Italy si Jeff para sa shooting ng young star ng Imagine You and Me movie kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mabilis na kumalat sa social media na kasama nga ni Jasmine ang boyfriend, kaya naman may AlDub fans na parang nakahinga nang maluwag at natuwa na kasama ni Jasmine si Jeff. Sa mga nakakaalam, may fans talaga ang AlDub na hindi matanggap na may third party sa story ng movie na sinu-shoot nila sa Italy since May 9, pero this time pawang magaganda ang wish nila para kay Jasmine.

Comments sa Instagram: “We appreciate and are thankful na pumayag ka to join this project;” “sana maging friend kayong tatlo nina Alden at Maine” “maging masaya sana ang working relationship ninyo.”

At may nagpauna na ring fans sa paghingi ng sorry kay Jasmine kung sakaling may mang-bash pa rin sa kanya.

“Inihihingi na namin ng pasensiya kung may mga mangba-bash pa rin sa iyo. Hindi totoong AlDub Nation ang mga iyon, maraming nagpapanggap lamang. Kaya huwag mo na lamang silang pansinin. Ang mga totoong AlDub fans na nagmamahal at sumusuporta kina Alden at Maine ay hindi gumagawa nang ganoon. Salamat.”

As to the updates, noong Wednesday ay may shooting na sina Maine at Jasmine, kaya mag-isang pumunta ng Rome si Alden para sa courtesy call nila sa Philippine Embassy sa Holy See sa Vatican City. Dapat daw ay silang lahat ang pupunta roon, pero hindi pumuwede dahil lahat ay busy sa shooting at si Alden lang ang free.

Hindi malinaw kung nagkaroon ng chance si Alden na makita si Pope Francis dahil tuwing Wednesday ay may audience ang Pope with the people sa St. Peter’s Square, pero napakaraming tao. May snapshot ang personal assistant ni Alden sa Fontana de Trevi (na mas kilala sa tawag na Three Coins In the Fountain) na napakaraming tao kaya mukhang hindi rin nakapagpa-picture roon si Alden.

Siyempre pa ay marami na namang nagtanong na fans kung bakit hindi magkasama sina Alden at Maine na pumunta ng Rome.

I-update namin kayo kung may malinaw kaming balita, kung pupunta pa rin sina Maine at Alden sa Rome para mag-shooting doon kapag nakatapos na sila ng shooting sa Como, Italy. (NORA CALDERON)

Tags: jasmine
Previous Post

Purisima, ipinaaaresto ng Sandiganbayan

Next Post

Manila Bay Clean-Up Run, lalarga sa Hulyo 10

Next Post

Manila Bay Clean-Up Run, lalarga sa Hulyo 10

Broom Broom Balita

  • Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD
  • ‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag
  • 2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1
  • Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

October 1, 2023
‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

October 1, 2023
Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

October 1, 2023
Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

October 1, 2023
‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.