• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Excited na botante: Dapat orasan ang pagboto

Balita Online by Balita Online
May 10, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tick tock, tick tock. Talaga ngang hindi na makapaghintay ang mga botante na maghalal ng mga bagong tagapamuno na hahawak sa manibela ng Pilipinas tungo sa kaunlaran at kapayapaan.

Sa mga nakalipas na buwan, nabigyan ng sapat na panahon ang bawat botante para kilatisin at pag-aralan ang plataporma ng mga kandidato, na pawang namulaklak sa pangako ang mga labi makuha lamang ang minimithing posisyon.

Pagpatak pa lang ng 6:00 ng umaga, oras ng pagbubukas ng mga presinto sa bawat barangay, blockbuster na ang pila ng mga botante. Paypay dito, paypay doon. Inom dito, inom doon. Punas dito, punas doon.

Habang nakapila at matiyagang naghihintay ng kanilang pagkakataon, nag-uusap-usap ang mga botante kung sinu-sino ang kanilang iluluklok. Siyempre, hindi mawawala ang kani-kanyang bidahan.

Dahil dito, hindi naiwasang magkaroon ng mga pagtatalo sa pagitan ng mga tagasuporta.

At dala na rin marahil ng init ng panahon, pagsisingitan, pamimitig ng mga binti sa pagkakatayo, at gutom, nagkapikunan na ang magkakabilang panig hanggang sa makahalatang hindi umuusad ang pila.

At ang kanina ay excited na botante, biglang beast mode na!

“Bad trip! Dapat kasi orasan (ang pagboto). Ang tagal nila, parang ngayon lang nag-iisip kung sino iboboto!

Papatay-patay kumilos. Tapos sisingit pa ‘yung iba,” sitsit ng babae sa bago niyang kaibigan, na sa pila lang niya nakilala.

Sa kabila nito, hindi sumuko at nagsikap pa rin ang mga botante na makaboto. Pagkatapos magtiis at magpasensiya, makikita pa rin ang kislap sa kanilang mga mata na tanda ng pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan sa susunod na anim na taon. (Ellaine Dorothy S. Cal)

Tags: barangayng mga
Previous Post

Rafael Rosell, against animal cruelty advocate

Next Post

Mga batas kontra endo, nakabitin sa Kongreso

Next Post

Mga batas kontra endo, nakabitin sa Kongreso

Broom Broom Balita

  • Isyu sa trademark ng SB19, naresolba na
  • ‘Mas jackpot pa sa lotto?’ Socmed post ng PCSO, pinagkaguluhan ng netizens
  • TVJ, Dabarkads hosts nag-react sa pagkakabalik ng ‘Eat Bulaga’ trademark
  • Badoy, Celiz nag-hunger strike kontra ‘pagpasok’ ng CPP-NPA-NDF sa Kongreso
  • Madir ni Andrea nakipagratratan sa basher: ‘Anong ambag mo sa mundo?’
Isyu sa trademark ng SB19, naresolba na

Isyu sa trademark ng SB19, naresolba na

December 6, 2023
5 government agencies, tumanggap ng P67M-mandatory contributions mula sa PCSO

‘Mas jackpot pa sa lotto?’ Socmed post ng PCSO, pinagkaguluhan ng netizens

December 6, 2023
TVJ, Dabarkads hosts nag-react sa pagkakabalik ng ‘Eat Bulaga’ trademark

TVJ, Dabarkads hosts nag-react sa pagkakabalik ng ‘Eat Bulaga’ trademark

December 6, 2023
Badoy, Celiz nag-hunger strike kontra ‘pagpasok’ ng CPP-NPA-NDF sa Kongreso

Badoy, Celiz nag-hunger strike kontra ‘pagpasok’ ng CPP-NPA-NDF sa Kongreso

December 6, 2023
Madir ni Andrea nakipagratratan sa basher: ‘Anong ambag mo sa mundo?’

Madir ni Andrea nakipagratratan sa basher: ‘Anong ambag mo sa mundo?’

December 6, 2023
Top 1 ng PNLE napaluha sa resulta; higit 8,000 nursing flashcards, kinabisado

Top 1 ng PNLE napaluha sa resulta; higit 8,000 nursing flashcards, kinabisado

December 5, 2023
Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol

Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol

December 5, 2023
Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

December 5, 2023
Valentine kay Kathryn: ‘You don’t need a man’

Valentine kay Kathryn: ‘You don’t need a man’

December 5, 2023
1,109 daycare students, nabiyayaan ng libreng sapatos ni Mayor Zamora

1,109 daycare students, nabiyayaan ng libreng sapatos ni Mayor Zamora

December 5, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.