• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘Di ako aalis sa ‘Eat Bulaga’ —Maine

Balita Online by Balita Online
May 7, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
‘Di ako aalis sa ‘Eat Bulaga’ —Maine
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Alden n Maine VSB copy

TULOY na tuloy na ang pag-alis nina Alden Richards at Maine Mendoza papuntang Italy, para sa shooting ng solo movie nila mula sa GMA Films at APT Entertainment, Inc., na ididirek ni Mike Tuviera.

Uunahin na nila ang location shooting, at itutuloy na lamang nila ang mga eksena rito sa bansa pag-uwi nila.

Live na napapanood ang paghahanda ng dalawa sa kalyeserye ng Eat Bulaga, simula sa pagbibigay ng final script sa kanila ni Lola Nidora (Wally Bayola), ang paghahanda ng dalawa ng mga damit na gagamitin nila sa shooting, at finally, ang tickets for their flight to Italy.

Kung malungkot si Lola, dahil simula raw nang alagaan niya ang apong si Divina (Maine) ay hindi na ito napahiwalay sa kanya. Malungkot din ang AlDub Nation at ngayon pa lamang may separation anxiety na sila dahil hindi raw nila mapapanood ang dalawa araw-araw sa kalyeserye.

May nagsasabing sana raw iyong mga huling araw nila bago sila umalis, mag-iwan sila ng video na puwede nilang ma-replay lagi. May issue pa namang nagtatampuhan sina Alden at Maine at may lumabas ding balita na aalis na si Maine sa Eat Bulaga.

Pero madaling nasagot ni Maine ang issue sa tinawag ng EB na Live Notification na puwedeng magtanong sa kanila ni Alden ang fans, even heart problems na sinasagot agad at nagbibigay ng advice ang dalawa. Kaya sa issue na aalis na raw si Maine sa EB, ito ang sagot niya:

“Hindi po totoo na aalis ako sa Eat Bulaga,” sagot ni Maine. “Sorry sa mga bashers, dito po lamang ako. Kaya sa mga AND (AlDub Nation), huwag kayong maniniwala sa mga sabi-sabi at good vibes lamang tayo, dahil wala naman talagang problema.”

Last May 4, binati ng ADN si Maine dahil 10th monthsary na niya sa EB. Nagsimula siya bilang si Yaya Dub noong July 4, 2015, kaya nagpasalamat naman si Maine sa kanilang lahat at wala raw iwanan, sila-sila pa rin ang magkakasama. Hintayin daw ng ADN ang kanilang special gift sa celebration nila ng kanilang first anniversary sa July 16. Last Thursday, May 5, nag-celebrate naman ng kanilang 42nd weeksary ang AlDub.

Tungkol naman sa request ng ADN na may maiwanang video sina Alden at Maine, ang alam namin, may ginawa ang EB para araw-araw pa rin ninyong mapapanood si Alden at ang kanyang “my one and only, Maine Mendoza.”

Abangan ninyo iyan kapag umalis na ang dalawa next week. (NORA CALDERON)

Tags: Maine
Previous Post

World-class sports complex, inilunsad sa Ilocos

Next Post

Female TV host/aktres, ipinahiya ang kaibigan

Next Post

Female TV host/aktres, ipinahiya ang kaibigan

Broom Broom Balita

  • Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD
  • ‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag
  • 2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1
  • Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

October 1, 2023
‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

October 1, 2023
Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

October 1, 2023
Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

October 1, 2023
‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.