• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Peña, ‘no show’ sa debate vs Abby Binay

Balita Online by Balita Online
April 29, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umatras si Makati City Mayor Romulo “Kid” Pena Jr. sa nakatakdang debate nito kay mayoralty candidate 2nd District Rep. Abegail “Abby” Binay sa hindi malamang dahilan, nitong Miyerkules ng gabi.

Halos mamuti ang mata sa kahihintay ng 150 miyembro ng Rotary Club sa debate na pinangasiwaan ng Rotary Club of Makati Business District na ginanap sa Makati Sports Club.

Sina Peña at Binay ay kapwa tumatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod. Sakaling mahalal si Abby Binay, siya ang ikaapat ng miyembro ng pamilya na uupo bilang alkalde ng Makati.

Binatikos ni Rep. Binay, anak ni United Nationalist Alliance (UNA) standard bearer Vice President Jejomar Binay, si Peña sa hindi nito pagsipot sa nasabing debate.

“Nakakalungkot na hindi niya pinahalagahan ang pagkakataon na humarap at magpahayag nang kanyang plataporma sa mga taga-Makati. Para sa akin, malaking responsibilidad na magbigay ng lahat ng impormasyon na kailangan upang ang mga taga-Makati ay may sapat na basehan sa pagpili ng kanilang mayor,” sabi ng kongresista.

Ipinaliwanag ni Rep. Binay kung bakit nito nais maging alkalde sa Makati sa pamamagitan ng kanyang “Serbisyong tunay, serbisyong Binay,” slogan.

“Sana po patuloy ninyong suportahan ang tatay ng Makati, dahil ni minsan hindi kayo nawala sa kanyang puso at isipan. Sana po bigyan niyo po ako ng pagkakataon na mahalin din kayo, na paglingkuran din kayo, gaya ng ginawa ng tatay ko. Isang malaking karangalan po para sa akin na maging susunod na mayor,” pahayag ni Rep. Binay.
(Bella Gamotea)

Tags: Abby Binay
Previous Post

NBA skills coach, magtuturo sa Manila

Next Post

Alden at pamilya, lumipat na sa bagong bahay

Next Post
Alden at pamilya, lumipat na sa bagong bahay

Alden at pamilya, lumipat na sa bagong bahay

Broom Broom Balita

  • Trina Candaza napa-hugot kay LJ Reyes: ‘One day, this pain will be my testimony’
  • Pilipinas, 9 pang bansa sumali sa counter-terrorism exercises sa Cebu
  • Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes
  • RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo
  • ‘Betty’ papalayo na! Warning signal sa 5 lugar sa bansa, aalisin na!
Trina Candaza napa-hugot kay LJ Reyes: ‘One day, this pain will be my testimony’

Trina Candaza napa-hugot kay LJ Reyes: ‘One day, this pain will be my testimony’

May 31, 2023
Pilipinas, 9 pang bansa sumali sa counter-terrorism exercises sa Cebu

Pilipinas, 9 pang bansa sumali sa counter-terrorism exercises sa Cebu

May 31, 2023
Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

May 31, 2023
RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo

RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo

May 31, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Betty’ papalayo na! Warning signal sa 5 lugar sa bansa, aalisin na!

May 31, 2023
Hugot ng netizens kay LJ: ‘You will never meet the right man if you stay with the wrong one!’

Hugot ng netizens kay LJ: ‘You will never meet the right man if you stay with the wrong one!’

May 31, 2023
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.