• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘Dalawang Letra,’ wagi sa ‘Himig Handog 2016’

Balita Online by Balita Online
April 27, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
‘Dalawang Letra,’ wagi sa ‘Himig Handog 2016’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Itchyworms charms with Dalawang Letra (3) copy

TINANGHAL na grand winner sa Himig Handog Pinoy Pop (P-Pop) Love Songs 2016 finals night ang komposisyon ni Davey Langit na Dalawang Letra na inawit ng bandang Itchyworms.

Tinalo ni Davey ang nakatunggaling 14 na iba pang top songs na pinili mula sa 6,000 entries na natanggap ng pinakamalaking worldwide OPM songwriting competition. Iniuwi niya ang grand prize na P1 milyon.

“I’m elated. Hindi sapat ang salita. Hindi ko talaga in-expect at all. Hindi ko ito magagawa kung wala ang Itchyworms,” pahayag ni Davey.

“Ito ang ‘cream of the crop.’ Lahat ng pinakamagagaling na songwriters nandito. It’s more than a privilege na nakatayo ako dito at nanalo ako,” aniya pa.

Sa finals night na ginanap sa Kia Theatre nitong nakaraang Linggo, 2nd Best Song naman ang Monumento (komposisyon ni Jungee Marcelo at inawit nina Kyla at Kris Lawrence), 3rd Best Song ang Laban Pa na sinulat ni David Dimaguila at inawit ni KZ Tandingan tampok si Jay-R.

Kabilang din sa winners ang pumang-apat na Tama Lang (komposisyon nina Agatha at Melvin Morallos at inawit ni Jolina Magdangal), at ang Parang Tayo Pero Hindi (komposisyon ni Marlon Barnuevo at inawit nina Angeline Quinto at Michael Pangilinan) na nagwagi bilang 5th Best Song.

Tumanggap ng P500,000 ang kompositor ng 2nd Best Song, at ang composers naman ng 3rd, 4th, at 5th Best Songs ay nag-uwi ng P200,000, P150,000, at P100,000, respectively.

Samantala, nakuha ng O Pag-ibig (komposisyon nina Honlani Rabe at Jack Rufo at inawit nina Bailey May at Ylona Garcia) ang karamihan sa special awards, kabilang na ang MOR’s Choice Award, TFC Global Choice for Favorite Song, at Best Music Video (ipinrodus ng MINT College). Sina Bailey at Ylona rin ang ibinotong Favorite Interpreters sa Onemusic.ph.

Ang komposisyon naman ni Aries Sales na Nyebe, inawit ni Kaye Cal, ang ginawaran ng Star Music Listeners Choice Award.

Kabilang din sa finalists ngayong taon ang Mananatili (komposisyon ni Francis Louis Salazar at inawit nina Janella Salvador at Marlo Mortel), Ambon (komposisyon ni Nica del Rosario at inawit ni Barbie Almalbis), Patay na si Uto (komposisyon ni Oliver Narag at inawit ni Nyoy Volante), Diamante (komposisyon ni Jungee Marcelo at inawit ni Morissette), Bibitawan Ka (komposisyon ni Hazel Faith dela Cruz at inawit ni Juris), Sana’y Tumibok Muli (komposisyon ni Jose Joel Mendoza at inawit ni Klarisse de Guzman), Maghihintay Ako (komposisyon ni Dante Bantatua at inawit ni Jona), at Minamahal Pa Rin Ako (komposisyon ni Rolando Azor at inawit ni Daryl Ong).

Ang Himig Handog 2016 album ay mapapakinggan sa Spotify at mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P299.

Ang digital tracks naman ay maaaring ma-download sa ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.

Tags: himig handog
Previous Post

Valdez, tinanghal na UAAP volley MVP

Next Post

6 na Bicol governor, todo-suporta kay Poe

Next Post

6 na Bicol governor, todo-suporta kay Poe

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.