• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

1,000 pamilya, nasunugan sa Muntinlupa

Balita Online by Balita Online
April 23, 2016
in Balita, Features
0
1,000 pamilya, nasunugan sa Muntinlupa
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Fire in Muntinlupa_Garcip Compound_Brgy Cupang_Muntinlupa City_22Aprl2016-8 copy

Nawalan ng tirahan ang halos 1,000 pamilya matapos lamunin ng apoy ang 500 bahay sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Muntinlupa Fire Department, pasado 12:00 ng hatinggabi nang nagulantang sa mahimbing na pagtulog ang karamihan sa mga residente matapos sumiklab ang apoy sa isang bahay sa Barangay Cupang.

Mabilis na kumalat ang apoy sa dikit-dikit na mga bahay na pawang gawa sa light materials at umabot sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog.

Naapula ang sunog pasado 3:00 ng umaga at wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Samantala, pinaghahanap ng awtoridad ang isang Arvin Aquino, residente sa lugar, na sinasabing responsable sa sunog.

Kumbinsido ang mga opisyal ng Bgy. Cupang na sinadya ang sunog lalo dahil ilang beses na umanong nagbanta si Aquino na susunugin ang lugar, bukod pa sa kilala itong gumagamit ng ilegal na droga.

Pansamantalang nanunuluyan sa gilid ng kalsada at sa covered court ng barangay ang mga nasunugan. (BELLA GAMOTEA)

Tags: muntinlupa
Previous Post

Slasher Cup, lalarga sa Big Dome

Next Post

Walang brownout sa Mayo 9—Malacañang

Next Post

Walang brownout sa Mayo 9—Malacañang

Broom Broom Balita

  • ‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong
  • Kris, nagbigay ng update; Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19
  • PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas
  • Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’
  • Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’
‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

June 30, 2022
Kris, nagbigay ng update; Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

Kris, nagbigay ng update; Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

June 30, 2022
PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

June 30, 2022
Diokno gustong makipagdebate kay Duterte, iba pang Senate bets

Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’

June 30, 2022
Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

June 30, 2022
Baguilat, may panawagan sa bagong DENR chief: ‘I hope the first official act is to not spend on Dolomite maintenance’

Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’

June 30, 2022
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.