• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kathryn, kontra sa ‘sabong’ ng love teams

Balita Online by Balita Online
April 22, 2016
in Showbiz atbp.
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

HINDI pabor si Kathryn Bernardo sa sinasabing makakatulong sa love team nila ni Daniel Padilla kung “isasabong” sila sa ibang love teams.

Wala siyang nakikitang advantage sa paglalaban-laban ng love teams. Para sa kanya, mas nakakatulong pa nga kung nagsusuportahan sila at hindi pinag-aaway-away.

“Dapat lang na magsuportahan ang bawat magka-love team, kasi nasa iisang network lang naman kaming lahat,” sabi sa amin ni Kath.

Dapat din daw pairalin ng fans ng bawat love team ang respeto sa bawat isa. Ayaw niyang may nagsisiraan lalung-lalo na nakakasakit na nang husto ng damdamin.

“Bawat fan group naman, ang importante lang, eh, may kanya-kanyang sinusuportahan. Dapat na pairalin ng bawat fans ‘yung respetuhin ‘yung bawa’t sinusuportahan. Kasi, at the end of the day, nagtatrabaho kami sa iisang network. Kaya hindi talaga dapat na ginagawan ng isyu ang tungkol diyan,” paliwanag ni Kathryn.

Sa kaso nila ni Daniel, ginagawa nila ang lahat para magpatuloy ang suporta sa kanila ng fans.

“‘Yung sa amin kasi, dapat ‘yung mga taong sumusuporta sa atin, hindi sila mawalan ng rason kung bakit nila tayo sinusuportahan. With good projects and ‘yung quality… ‘yung pakikisama sa kanila. So, ‘yun, hindi naman ‘yun mawawala,” sambit pa ng Kapamilya actress.

Hindi sila gumagawa ni Daniel ng mga bagay-bagay na alam niyang magiging dahilan para tabangan sa kanilang dalawa ang mga tagasuporta nila.

“Sa amin naman kasi ni DJ, nag-usap na kami sa simula pa lang, ‘yung totoo lang ang ipapakita natin sa mga tao.

Hindi natin kailangang ma-pressure sa iba. Kapag kayo na, kailangang umamin na? Basta, kanya-kanyang diskarte lang ‘yan,” sabi pa ni Ms. Kathryn Bernardo. (JIMI ESCALA)

Tags: Kathryn
Previous Post

240 pulis, bus marshals sa EDSA

Next Post

SOMA PILIPINAS SA SAN FRANCISCO

Next Post

SOMA PILIPINAS SA SAN FRANCISCO

Broom Broom Balita

  • ‘Ambag ko po, Mommy!’ Aso, inabutan ng bente ang kaniyang fur parent, kinagiliwan!
  • Mahigit ₱2/liter, ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo next week
  • Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: ‘Maaga pa, puwede ba siyang bumawi…’
  • Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’
  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.