• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kathryn, si Daniel lang ang gustong leading man

Balita Online by Balita Online
April 13, 2016
in Showbiz atbp.
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

DIRETSAHANG inamin ni Kathryn Bernardo na wala siyang ibang maisip na puwedeng maging leading man niya kundi ang ka-love team niyang si Daniel Padilla. Sa Kapamilya actors, si DJ lang ang gusto niyang makapareha.

“Sa totoo lang naman, kasi sa ngayon talaga si DJ lang talaga muna. Halos lahat ng leading men sa ABS-CBN may kanya-kanya na silang kapareha, di ba?” balik-tanong ni Kathryn.

Ang love team nila ang isa sa pinakasikat na tambalan sa ngayon. Kaya hindi naiiwasan ang palaging pagkukumpara sa kanila sa ibang love team.

Agad binanggit ni Kath na hindi sila nati-threaten kahit kaninong love team pa sila ikumpara. Dahil naniniwala siya na may iba’t ibang ino-offer ang bawat love team, sa ABS-CBN man o ibang network.

Ang pakiusap niya, sana ay magrespetuhan ang bawat fan groups na may kanya-kanyang sinusuportahang love team.

“Iwasan sana nila ang magbangayan. At the end of the day, walang isyu dapat. Basta ang sa amin, ang motivation namin ni DJ na dapat ‘yung mga taong sumusuporta sa amin, eh, hindi sila mawalan ng dahilan para suportahan kami,” seryosong lahad ng dalaga.

Ayon naman sa masugid na mga miyembro ng KB Buddies ni Kathryn, hinding-hindi sila magbabago para sa idolo nila.

“Sa totoo lang din naman, ‘yung pakikitungo naman namin ni DJ sa kanila, eh, laging totoo at sinsero at ‘yun din naman ang pangako namin sa kanila na hindi kami magbabago para sa kanila. Kung ano ang nakikita nila ngayon sa pakikitungo namin ni DJ sa kanila, eh, ‘yun ang totoo,” reaksiyon ni Kath.

Hindi lang pala mga kasing edad nila ni DJ ang fans nila, may mas nakatatanda at may mas bata pa sa kanila.

“Kaya nga sa plano namin ni DJ with regards sa pagtanggap ng mga matured roles, eh, napag-usapan namin na kapag mature roles na ‘yung gagawin namin, dapat mauunawaan at makakasabay ang mga supporters namin.

“Ayaw naming mabigla agad sila sa mga roles o projects namin. Gusto naming sabay silang mag-grow sa aming dalawa,” sey ng magandang young actress.

Samantala, hindi naiwasang maitanong kay Kathryn ang pag-eendorso nila sa Mar Roxas at Leni Robredo team.

“Sa amin naman, eh, kailangan lang po respetuhin natin ang isa’t isa lalo na sa kung sino ang pinili nating kandidatong sinusuportahan,” paliwanag niya. (JIMI ESCALA)

Tags: DanielKathryn
Previous Post

MASIGASIG NA PAG-AARAL UPANG LIMITAHAN ANG PAG-IINIT NG MUNDO

Next Post

MVP: Para sa bayan

Next Post
MVP: Para sa bayan

MVP: Para sa bayan

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.