• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Childhood piano ni Lady Gaga, isusubasta ng $100,000

Balita Online by Balita Online
April 10, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Childhood piano ni Lady  Gaga, isusubasta ng $100,000
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Lady Gaga copy

NEW YORK (AP) – Limang taong gulang pa lang si Lady Gaga nang isulat ang una niyang awitin sa piano na binili para sa kanya ng kanyang lolo at lola. At ngayon, ang piano na ito ay ibebenta sa halagang $100,000 hanggang $200,000.

Ang piano ay iaalok sa Julien’s Auctions’ “Music Icons” memorabilia sale sa Hard Rock Cafe New York sa Mayo 21. Ang kalahati ng kikitain sa pagbebenta ng piano ay mapakikinabangan ng Born This Way Foundation, inilunsad ni Gaga noong 2012 para sa kabataan. Ilan sa mga isyung pinagtutuunan ng nasabing foundation ang bullying, poor body image, pagtanggap sa sarili, at pagiging matiyaga.

Ang Everett Piano Co. instrument ay naging tampok sa “Women Who Rock” exhibition noong 2011-2012, sa Rock and Roll Hall of Fame and Museum sa Cleveland.

Binili ng lolo at lola ni Gaga ang piano ng $780 noong 1966 at nagdesisyong ibigay sa kanyang mga magulang. Ang batang si Stefani Germanotta ay nagsimulang mag-piano lesson noong apat na taong gulang pa lamang, at sinulat ang una niyang awiting Dollar Bills at tinugtog sa nasabing piano.

“When Stefani started to crawl, she would use the leg of the piano to pull herself up and stand, and in doing so, her fingers would eventually land on the keys,” pagbabalik-tanaw ng kanyang ina, si Cynthia Germanotta. “She would stay there and just keep pressing the keys to hear the sound. We would then start to hold her up or sit on the bench and let her tinker.”

At noong siya ay 13 taong gulang pa lamang, binilhan si Lady Gaga ng kanyang magulang ng isang baby grand piano.

“Values continue to increase due to the collectability of Western pop culture globally,” ayon kay Darren Julien, may-ari ng Julien’s Auctions. “Rock ‘n’ roll memorabilia is the new art market.”

Kabilang din sa mga isusubasta ang mahigit 85 Elvis Presley items, kabilang ang custom-made 1969 Gibson Dove guitar na binuo ng ama ni Elvis para sa kanya.

Ang mga memorabilia mula sa singer-guitarist na si Stevie Ray Vaughan, at ni Kurt Cobain, ng The Beatles, nina Johnny Cash, Michael Jackson at iba pang music icon, ay ilan din sa mga isusubasta.

Tags: Cynthia Germanottaelvis presleykanyalady gaga
Previous Post

KASAYSAYAN NG AWIT KAY STA. MARIA JACOBE (Ikalawang Bahagi)

Next Post

Poe: Nawala na ang kadenang pumipigil sa aking kandidatura

Next Post

Poe: Nawala na ang kadenang pumipigil sa aking kandidatura

Broom Broom Balita

  • 2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers
  • 500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer
  • Guimaras, binawi na ang pag-require ng vax card sa mga biyahero mula W. Visayas
  • Comelec: 12 nanalong senador, naiproklama na!
  • P8-M halaga ng shabu, nasamsam sa 7 drug pushers sa serye ng drug ops sa Central Visayas
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Guimaras, binawi na ang pag-require ng vax card sa mga biyahero mula W. Visayas

Guimaras, binawi na ang pag-require ng vax card sa mga biyahero mula W. Visayas

May 18, 2022
Comelec Commissioner Neri, ‘sinuhulan’ ng isang convicted drug lord?

Comelec: 12 nanalong senador, naiproklama na!

May 18, 2022
P272K halaga ng binebentang shabu, nasawata sa isang drug operation sa Bulacan

P8-M halaga ng shabu, nasamsam sa 7 drug pushers sa serye ng drug ops sa Central Visayas

May 18, 2022
Krisis sa pagkain sa gitna ng pandemya, posible — DA

Krisis sa pagkain sa gitna ng pandemya, posible — DA

May 18, 2022
Inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte, ikakasa sa Davao City

Inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte, ikakasa sa Davao City

May 18, 2022
Koko Pimentel, hangad na pamunuan ang Senate minority bloc

Koko Pimentel, hangad na pamunuan ang Senate minority bloc

May 18, 2022
Kahit ipinatigil na ni Duterte: 6 sa e-sabong sites, nag-o-operate pa rin — PNP

Kahit ipinatigil na ni Duterte: 6 sa e-sabong sites, nag-o-operate pa rin — PNP

May 18, 2022
Xian Gaza, may payo kay ‘Mother of all Pinkish’ kapag sasakay ng eroplano

Xian Gaza, may payo kay ‘Mother of all Pinkish’ kapag sasakay ng eroplano

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.