• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Albay, handa na sa 2016 Palarong Pambansa

Balita Online by Balita Online
April 10, 2016
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Halos lahat ng mga batang atleta mula sa 18 kalahok na rehiyon ang dumating na lalawigan ng Albay at nagsimula nang magsanay at maghanda para sa pagratsada ng 2016 Palarong Pambansa simula ngayon.

Batay sa website na www.albaypalaro2016.com ay pinakaunang dumating ang delegasyon ng Region 9 (Zamboanga Peninsula) na umaabot sa kabuuang bilang na 700.

Sunod na dumating ang mga kalahok sa Region 8 (Eastern Visayas) noong nakaraang Martes.

Umaasa ang host na darating ang lahat ng kalahok bago ang isasagawang opening ceremony ganap na alas-4 ng hapon ngayon.

Halos kumpleto na rin ang delegasyon ng Cordillera Administrative Region, Regions 10, 11 at ang pinakabagong deklara na rehiyon ng Negros Island pati na ang Region 3 at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Inaasahang makukumpleto ang lahat ng regiyon sa pagdating ng Region 2, 6, 7 at 4A pati na rin ang nagtatanggol na kampeon na National Capital Region, na siyang may pinakamalaking bilang ng delegasyon. .

Inaasahang abot sa 8,000 atleta, coach at bisita ang makikiisa sa Palaro kung saan paglalabanan ang mga larong archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.

Kasali rin ang demonstration sports na billiards, futsal, wrestling at wushu. (Angie Oredo)

Tags: batanghandalalawiganrin
Previous Post

Boy George and Culture Club, may concert sa Manila

Next Post

UFCC Cock Circuit, sasambulat sa ikasampung leg sa PCA

Next Post

UFCC Cock Circuit, sasambulat sa ikasampung leg sa PCA

Broom Broom Balita

  • Vegetable vendor, patay sa pamamaril sa La Union
  • Libre lang: MRT-3, nakapagsakay ng mahigit 351K pasahero nitong Mayo 20
  • Special Covid-19 vax initiative sa BARMM, nagpapatuloy
  • PNP-Pasig nasabat ang isang high-value drug suspect, higit P1-M halaga ng shabu
  • Naging 246 na! Covid-19 cases sa Pinas nitong Mayo 21, biglang tumaas
Vegetable vendor, patay sa pamamaril sa La Union

Vegetable vendor, patay sa pamamaril sa La Union

May 21, 2022
Libre lang: MRT-3, nakapagsakay ng mahigit 351K pasahero nitong Mayo 20

Libre lang: MRT-3, nakapagsakay ng mahigit 351K pasahero nitong Mayo 20

May 21, 2022
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Special Covid-19 vax initiative sa BARMM, nagpapatuloy

May 21, 2022
P272K halaga ng binebentang shabu, nasawata sa isang drug operation sa Bulacan

PNP-Pasig nasabat ang isang high-value drug suspect, higit P1-M halaga ng shabu

May 21, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

Naging 246 na! Covid-19 cases sa Pinas nitong Mayo 21, biglang tumaas

May 21, 2022

2 Korean fugitives, naaresto sa Las Piñas

May 21, 2022
Agot Isidro, inalala ang kabaitan ng kanyang ‘Tita Su’

Agot Isidro, inalala ang kabaitan ng kanyang ‘Tita Su’

May 21, 2022
Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines?

Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines?

May 21, 2022
Kahit may banta ng monkeypox: ‘Pagsasara ng borders ng PH, ‘di na dapat gawin’– NTF

Kahit may banta ng monkeypox: ‘Pagsasara ng borders ng PH, ‘di na dapat gawin’– NTF

May 21, 2022
Comelec sa mga suhestyon upang ganapin ang halalan 2022: ‘No ideas are off the table for now’

Overall accuracy rate ng preliminary RMA, nasa 99.9% — Comelec

May 21, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.