• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

MAKABAGONG KABAYANIHAN

Balita Online by Balita Online
April 9, 2016
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MANGILAN-NGILAN na lamang na beterano sa digmaang pandaigdig ang nakadadalo sa selebrasyon sa paggunita ng Araw ng Kagitingan. Katulad ngayon, dapat lamang asahan ang kanilang pagliban sa makasaysayang okasyon na ipagdiriwang sa Mt. Samat sa Bataan; marubdob ang kanilang hangaring makiisa sa paggunita ng kanilang pakikipagsapalaran sa pagtatanggol ng kasarinlan ng Pilipinas. Dangan nga lamang at hindi na sila gaanong malakas dahil sa kanilang katandaan at taglay na mga karamdaman; halos lahat sa ating mga beterano ay pawang mga nonagenarian na o mahigit 90-anyos na.

Isang malaking kawalan ng pagpapahalaga kung hindi natin dadakilain ang pamumuhunan ng buhay at dugo ng ating mga beterano. Kabilang na rito ang iba pang mga kawal na nakipaglaban sa mga dayuhang mananakop. Naririyan pa rin sila, yaong mga pinalad na makaligtas sa nakakikilabot na Death March – ang tinaguriang martsa ng kamatayan mula sa Bataan hanggang sa Capas, Tarlac. Hindi ba’t ganito rin ang kagitingang pinatunayan ng SAF 44? Sa kabila ng lahat ng panganib, ipinamalas nila ang kabayanihang ginamitan ng bala at baril at iba pang armas na pandigma sa pagtatanggol sa ating kalayaan.

Makabagong kabayanihan naman ang ipinamamalas ng ating overseas Filipino workers (OFWs), mga magsasaka at iba pang sektor ng mga manggagawa. Silang lahat ay binansagan nating mga buhay na bayani ng lipunan. Wala silang mga armas na pamuksa sa pakikipagsapalaran alang-alang sa kaunlaran ng bansa.

Ang mga OFWs, halimbawa, ni minsan ay hindi sumagip sa nakalugmok ng ekonomiya at iba pang anyo ng pagdarahop. Ang kanilang milyun-milyong dolyar na ipinadadala sa bansa ay nakatulong nang malaki sa mga kaunlarang pangkabuhayan na hindi magagampanang mag-isa ng administrasyon. Katunayan, pati ang nakalipas na mga liderato ay nakinabang din sa mga pagsisikap ng milyun-milyong OFWs na namamasukan sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Isa ring naiibang kabayanihan ang ipinamamalas ng ating mga magsasaka na tinaguriang mga “gulugod ng bansa” o backbone of the nation. Sila ang susi sa pagkakaroon ng sapat na aning palay at iba pang produkto sa bukid.

Nakalulungkot nga lamang at hindi ganap na natutustusan ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan upang lalong umunlad ang pagsasaka. At lalong nakalulungkot na sila pa ang madalas na maging biktima ng karahasan, tulad ng nangyari sa Kidapawan.

Dapat paigtingin ng susunod na administrasyon ang makabagong kabayanihan. (Celo Lagmay)

Tags: natingngapawangsila
Previous Post

Marian Anderson

Next Post

Comelec sa kandidato: Huwag magsamantala sa Pacquiao fight

Next Post

Comelec sa kandidato: Huwag magsamantala sa Pacquiao fight

Broom Broom Balita

  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
  • After 8 years na single: Venus Raj, ikakasal na
  • ‘Ano ‘to ate, outing?’ Chie Filomeno, dinogshow ang kapatid, ipinag-book ng L300 na sasakyan
  • Social pension payout, simula na ngayong Dis. 11 sa QC — DSWD
  • Mahigit ₱255.8M jackpot sa Super Lotto draw, walang nanalo
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

December 11, 2023
After 8 years na single: Venus Raj, ikakasal na

After 8 years na single: Venus Raj, ikakasal na

December 11, 2023
‘Ano ‘to ate, outing?’ Chie Filomeno, dinogshow ang kapatid, ipinag-book ng L300 na sasakyan

‘Ano ‘to ate, outing?’ Chie Filomeno, dinogshow ang kapatid, ipinag-book ng L300 na sasakyan

December 11, 2023
Social pension payout, simula na ngayong Dis. 11 sa QC — DSWD

Social pension payout, simula na ngayong Dis. 11 sa QC — DSWD

December 11, 2023
Mahigit ₱255.8M jackpot sa Super Lotto draw, walang nanalo

Mahigit ₱255.8M jackpot sa Super Lotto draw, walang nanalo

December 11, 2023
Marcos, nag-react na sa pag-atake ng China Coast Guard sa PH vessels sa WPS

Marcos, nag-react na sa pag-atake ng China Coast Guard sa PH vessels sa WPS

December 11, 2023
LTO, nanawagan sa mga delinquent vehicle owner na magparehistro na!

LTO, nanawagan sa mga delinquent vehicle owner na magparehistro na!

December 10, 2023
BOC, kumpiyansang maabot collection target next year

BOC, kumpiyansang maabot collection target next year

December 10, 2023
Iwas-recycling: Nakukumpiskang droga, ipinanukalang sirain agad

Iwas-recycling: Nakukumpiskang droga, ipinanukalang sirain agad

December 10, 2023
2 suspected carnappers, huli sa Batangas

2 suspected carnappers, huli sa Batangas

December 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.