• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Luis Manzano, kontra sa paggamit sa isyung bakla sa negatibong paraan

Balita Online by Balita Online
April 9, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Luis Manzano, kontra sa paggamit sa isyung bakla sa negatibong paraan
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Luis copy copy

HANGGANG ngayon ay may mangilan-ngilan pa ring kumukuwestiyon sa pagkalalaki ni Luis Manzano na sigurado sa kanyang kasarian kaya hindi siya kailanman naapektuhan ng nasabing isyu.

Pero aminado ang TV host na kung minsan ay napipikon siya lalo na kung paulit-ulit na lang ang paninirang ‘yun sa kanya.

“Hindi na rin naman bago sa akin ang ginawa nilang pagkuwestiyon sa pagkalalaki ko. Matagal na rin naman ‘yan. Bata pa lang ako, eh, ‘yan na ang paulit-ulit na intriga nila sa akin. Siguro, eh, hindi lang nila makuha ang katawan ko.

“Siguro sobra-sobra na ang pagnanasa nila sa akin kaya ganu’n na lang sila sa akin ngayon,” napatawang pangangatwiran ng host ng Family Feud na eere na simula ngayon.

Dagdag pa ni Luis, para sa kanya ay walang masama sa pagiging bakla.

“Kung bakla ka, eh, bakla ka by all means. Pero kung gagamitin siya bilang masamang pang-asar, kung tira sa akin, ginagamit siya with negative connotation, para sa akin, mali naman ‘yun,” lahad pa rin ng panganay ng soon to be congresswoman ng Lipa City na si Gov. Vilma Santos-Recto.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Luis na may mga kaibigan siyang taga-showbiz at non-showbiz na ipinagtatanggol siya, harapan man o talikuran. At isa na raw dito ang dating kasintahang si Angel Locsin na walang tigil sa pagtatanggol sa kanya sa social media, lalung-lalo na sa mga isyu na walang katotohanan pero pilit ibinabato sa kanya ng online bashers.

“Sa akin naman, eh, part na ‘yan ng industry. I mean, ‘yung name calling, bashing at iba pa. Ang dami kong naririnig na isyu sa akin na kahit katiting na pinanggalingan, eh, wala talaga. May balita pang nakabuntis daw ako ng beauty queen. Sabi ko, paano nangyari ‘yun?” naiiling pang banggit ni Manzano.

Knows din ni Luis na marami ang hindi basta-basta na lang naniniwala sa mga naririnig at nababasa nila pero, still, may ilan din namang agad naniniwala basta may nababasang paninira.

“If people only understood this industry more than what they see on TV, they will be completely surprised,” mariing pahayag ni Luis.

Bukod sa showbiz commitments ay busy rin si Luis ngayon sa pagtulong sa kampanya ng kanyang ina na sa Lipa at sa kanyang Tito Ralph Recto at amang si Edu Manzano na kapwa tumatakbo para senador. (JIMI ESCALA)

Tags: kanyakayanilarin
Previous Post

Vice presidential debate, tutukan bukas –Comelec

Next Post

Arroyo, nagpahiwatig na aatras kontra Ancajas

Next Post

Arroyo, nagpahiwatig na aatras kontra Ancajas

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.