Lumusong ang mga alagad ni Jesus sa aplaya. At pagkasakay sa bangka ay nagpunta sa kabilang ibayo ng lawa tungo sa Capernaum. Dumilim na at wala pa si Jesus: at nagising ang lawa dahil sa malakas na ihip ng hangin.
Pagkasagwan nila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na naglalakad sa lawa at palapit sa bangka.
Nasindak sila. Ngunit sinabi naman niya sa kanila: “Ako siya; huwag kayong matakot.”
Kaya gusto nila siyang isakay sa bangka, ngunit ang bangka ay bigla nang nasa pampang na patutunguhan nila.
PAGSASADIWA:
Ako siya; huwag kayong matakot.—Matapos mapakain ang mga tao, umalis si Jesus patungo sa bulubundukin upang magdasal at binilinan ang mga alagad na sumakay sa bangka upang tagpuin siya sa kabilang ibayo ng lawa.