Nagpunta si Jesus sa iba pang aplaya ng lawa ng Galilea sa may Tiberias. Sinusundan siya ng maraming tao sapgakat nasaksihan nila ang mga tandang ginawa niya sa mga maysakit. …
Kaya pagkatingala ni Jesus, nakita niyang marami ang taong pumupunta sa kanya, at sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay upang makakain ang mga ito? Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya, sapagkat alam na niya kung ano ang gagawin nito. Sumagot sa kanya si Felipe: “Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng tigkakaunti ang bawat isa.”
PAGSASADIWA:
May bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ano ito para sa pagkarami-raming tao?—Nais ni Jesus turuan ang mga alagad bilang paghubog sa kanila at makaniig ang kanyang Ama sa panalangin, kaya nagpunta sila sa kabilang ibayo ng dagat para mapag-isa.