• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Heart at Dennis, bida sa naughty, sexy love story sa primetime

Balita Online by Balita Online
April 7, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Heart at Dennis, bida sa naughty, sexy love story sa primetime
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

DENNIS AT HEART copy

MATAGAL na naming tinutukso ang napakahusay na program manager ng GMA Network na si Hazel Abonita na mas bagay sa Primetime Telebabad ang mga teleseryeng ginagawa niya.

Si Hazel kasi ang nasa likod ng drama series sa mga panghapong slot ng GMA-7 na nagpapahirap sa mga tumatapat na programa ng ABS-CBN tulad ng My Lady Boss, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Tween Academy at napakakaraming iba pa.

Kaya tuwang-tuwa kami nang dalhin sa primetime ang kanyang Little Nanay na pinagbibidahan ni Kris Bernal. At mukhang magtutuluy-tuloy na ang mga show niya sa primetime dahil ang ipapalit sa timeslot ng Little Nanay ay ang Juan Happy Love Story na si Hazel uli ang namamahala.

Excited ang buong GMA Network sa bagong naughty project na ito dahil pinagsama ang hot na hot na sina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Dream boy ang role ni Dennis Trillo bilang Juan, matinik sa chicks at sa negosyo, responsible kaya mula sa pagiging car salesman ay naging used car shop owner. Mahusay siya sa planning kaya walang palpak sa mga diskarte niya.

Si Heart Evangelista ang katapat niya bilang Happy, nangangarap na makilala na ang kanyang dream boy. Nagka-boyfriend na pero walang naging seryoso. Palaban sa buhay, loyal at family-oriented si Happy. Kabaligtaran ni Juan, hindi pa mapatino ni Happy ang kanyang buhay.

Ang kombinasyon na ito ang bagong formula ni Hazel sa primetime. At sa nalaman namang plano niya sa kanyang show, mukhang uusok sa kaseksihan ang primetime sa pagtatambal na ito nina Heart at Dennis.

Sexy, naughty with romance and comedy ang Juan Happy Love Story.

“I’m very excited but at the same time kinakabahan rin kasi naughty, sexy, love story ito,” pahayag ni Heart. “It’s very fresh so pampasaya siya ng buhay. Never pa ako nakagawa ng ganito and this role is very challenging. So thank you sa GMA for always giving me challenging roles.”

“Iba ito sa mga ginawa namin dati,” sabi naman ni Dennis. “Siguro mas medyo makulit ‘yung character ko ngayon.

Refreshing makagawa ng ganitong project, kaya salamat sa GMA dahil nabibigyan kami ng proyekto na hindi pa namin nagagawa before.”

Makakasama nina Heart at Dennis sina Ms. Gloria Romero at Mr. Nick Lizaso, Gardo Versoza, Lotlot de Leon, Ericka Padilla, Vincent Magbanua, Dominic Roco, Joross Gamboa at Kim Domingo.

Kailangan sigurong magpaalam ni Heart sa kanyang esposong si Sen. Chiz Escudero sa sexy scenes sa Juan Happy Love Story na ayon na rin mismo kay Hazel ay sobrang dami. (Dindo M. Balares)

Tags: bidagmakayaLittle Nanay
Previous Post

Arrest warrant vs. Sen. Ejercito, inilabas na

Next Post

Gawa 5:27-33 ● Slm 34 ● Jn 3:31-36

Next Post

Gawa 5:27-33 ● Slm 34 ● Jn 3:31-36

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.